MOVIE STAR NA, ENDORSER PA! Sanya Lopez, napili ng Seoul White Korea!

Sanya Lopez

HABANG tumatagal ay lalong bumobongga ang karera ng Kapuso actress na si Sanya Lopez. After the success of her afternoon drama series Haplos na ilang buwan na rin nagtapos, hindi naman completely nawala sa limelight ang dalaga dahil lagi itong may guestings sa iba’t ibang programa ng GMA. Siya rin ay isa nang ganap na Regal Baby at dumadami na ang endorsements nito.

Si Sanya Lopez lang naman ang napili ng trending skin whitening product na Seoul White Korea para sa Philippine market. Pormal na siyang ipinakilala sa mga tao last Saturday bilang celebrity endorser.

Nakakaaliw pala ang pamamaraan kung paano napansin ng Seoul White Korea si Sanya. Dahil natural na mahilig sa Korean products, ginamit niya ang produkto dahil sa recommendation ng mga kaibigan at pinost niya ito sa kanyang social media accounts.

“Nakakatuwa kasi kakaibang way at napansin at naappreciate nila at sila na mismo ang nagreach out sayo at unusual siya. Ito naman talaga yung product na ginagamit mo so bakit hindi mo siya tatanggapin, ‘di ba?”

Sanya also shared na she is now doing a movie with Regal Films at ang equally sexy hunk na si Derrick Monasterio ang leading man niya. Sa pagkakaalam namin ay romance-drama ito na nagtatackle sa realidad ng mga relasyon. Ready na raw siya sa matured roles for film.

Sanya Lopez is the newest SEOULista!

For her night routine, she simply washes her face, toner at Seoul White Korea lang sa face dahil moisturizer and primer na ito na all in one. Ano pa nga ba naman ang hahanapin niya?

Sa totoo lang, Sanya is one of the stars of GMA-7 na malaki ang chance na maging reyna ng network soon if she is given the right projects on TV and film. Very light din ang aura niya. Goodluck sa patuloy na pag-usad ng iyong career!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.