MAY LQ? Matteo Guidicelli, inindyan si Sarah sa premiere night ng ‘Miss Granny’

Sarah Geronimo in Miss Granny

BONGGA ang kaganapan sa premiere night ng Pinoy version ng Korean movie na Miss Granny na isa sa pinakamalaking pelikula sa Korea a few years ago.

Sa Filipino version, si Sarah Geronimo ang gumanap na “Lola Odry” sa pelikula na ginampanan ni Miss Nova Villa.

Star studded ang event na dinaluhan ng mga celebrities to give support sa mga lead ng pelikula na bukod kay Pop Princess at Miss Nova ay kasama din sina James Reid at Xian Lim.

Dumating sa celebrity preem ang sexy na si Nadine Lustre para suportahan ang boyfie na si James who plays the role of Miss Nova’s apo na isang rocker na si Sarah ang lead singer nila sa banda.

Si Kim Chiu naman ay maaga dumating para suportahan ang “boyfie” na si Xian who plays the record producer na tumutulong sa banda ng Pop Princess na may gusto kay Sarah sa pelikula .

Madami ang nagtaka at kung bakit sa mga partners ng mga bida ay si Matteo lang ang absent at hindi sinuportahan ng binata ang Pop Princess.

May LQ kaya ang dalawa during the preem?

 

 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.