May Kasiping na Iba; Misis, Huli ng Mister at Anak sa Akto

HULI SA akto ng isang mister ang kanyang misis na may kasiping na ibang lalaki sa Rizal Estanzuela, Iloilo City.

Kasama ang mga awtoridad at kanilang anak, pinuntahan ng mister ang boarding house ng kanyang asawa kung saan mismong ang kanilang 10-anyos na anak ang inutusan nito na silipin ang silid ng ina.

Ayon naman sa bata, nakita niya ang ina at isang lalaki na hubad at magkayakap pa.

Hindi naman nahuli ang karelasyon ng babae at pinaniniwalaang pinatakas niya ito.

Nabatid na ang mag-asawa ay may apat na anak at halos isang buwan nang hiwalay dahil sa umano’y pananakit ng mister sa sariling misis.

Samantala, ayon sa bata, mismong ang kanyang ina pa ang nananakit sa kanyang ama.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.