May kapansanan sa pag-iisip… 11-anyos na dalagita, ginawang parausan ng amain

 

KALUNOS-LUNOS ANG SINAPIT ng isang 11-anyos na batang babae sa kamay ng kanyang stepfather sa kabila ng kanyang kapansanan sa pag-iisip at inabuso ito upang gawing sex slave ng kanyang amain habang wala ang ina nito sa kani-lang bahay, iniulat kahapon ng umaga sa Navotas City.

Kasalukuyan namang nakapiit sa detention cell ng Navotas Police at nahaharap sa kasong Statutory Rape sa Malabon-Navotas Prosecutor’s office ang suspek na si Danny Vigar, 40, ng R-10, Sitio Sto. Niño, Navotas City.

Sa nakalap na impormasyon sa tanggapan ni P03 Arlene Alvero, officer-in-charge ng Women’s and Children’s Concerned Desk (WCCD) Navotas Police, dakong alas-8:00 ng umaga nang magtungo sa kanilang tanggapan ang biktimang si Jopay, 11 (di-tunay na pangalan) upang pormal na magsampa ng reklamo laban sa suspek.

Sa murang edad ni Jopay at kapansanan nito ay nagawa niyang imuwestra ang ginagawa sa kanya ng suspek. “Kapag gusto po niyang ipasok ang kanyang ‘t’t sa ‘p’ ko at titirahin na niya ako ay kanya akong papaliguan pagkatapos ‘yun na po, harap at likod,” ani pa ni Jopay.

Sinabi pa nito, na kasalukuyang wala ang kanyang ina sa bahay dahil umuwi ito ng probinsiya kung kaya’t sila lamang ng suspek ang nasa bahay at du’n nagaganap ang maka-demonyong pagnanasa ng suspek sa biktima na halos hindi na mabilang kung makailang beses.

At nang muling sinabihan ng suspek ang biktima na maligo na ito, sa halip na tumungo sa banyo ay lumabas ito ng bahay tumakbo patungo ng nasabing himpilan ng pulisya upang magreklamo.

Dahil dito, agad na tinungo ng mga operatiba ng Navotas Police ang bahay ng suspek na nagresulta ng pagkakada-kip nito.

Pansamantala ay nasa kustodiya ng Department of Social Welfare Development (DSWD) Navotas ang biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.