MAY JINX KAYA? JOHN ESTRADA, KINATATAKUTANG I-MANAGE

HAPPY, YIPEEY, YEHEY! ang title ng bagong noontime show nina John Estrada, Randy Santiago, Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga, Melai Cantiveros, Bianca Manalo, Jobert, Bentong, and Mr. Sam Milby.

After Showtime ang kanilang airing starting on Feb. 12. Type n’yo ba ‘yung title? Nahahabaan nga kami, eh. Pero kung wala na talagang ibang maisip, eh, ang importante naman doon ay ang laman ng programa.

Ayaw sabihin sa amin ni Direk Willie Cuevas ang mga game segments, pero nakakaaliw daw, sobra. Na kahit daw ang Willing-Willie, maaaliw.

Me gano’ng factor? Sige, abangan na lang natin. Ang importante, trabaho na naman ito para sa mga artista.

SINO NA NGA ba ang nagha-handle ngayon kay John Estrada pagkatapos sumakabilang-buhay si Tito Wyngard Tracy?

Kung matatandaan, ang discoverer-manager ni John ay si Tito Douglas Quijano. Nu’ng sumakabilang-buhay ang mabait na si Tito Dougs, si Tito Wyngard na ang nag-handle.

Sa kasawiang-palad, sumakabilang-buhay din si Tito Wyngard.

Kaya nu’ng tinanong namin si John, “Wala nang gustong mag-handle, eh. Natatakot ang mga manager, dahil baka sila naman ang sumunod.  Kaya ang ginawa ko, ‘yung ate ko na lang na si Chin-Chin ang ginawa kong business manager muna. Palilipasin ko muna ang ilang taon bago ako kumuha ng manager.

“Puwede ka na ba no’n, mars?” tanong sa amin ni John.

“Adviser na lang muna, mare, ha? Hahahaha! Potah ka, na-tense tuloy ako!”

AKALA TALAGA NAMIN nu’ng una, si Ai-Ai delas Alas ang kaakbay ni Dingdong Dantes sa billboard na nakita namin along Edsa corner East A-venue.

Mali pala kami. That’s Regine Velasquez pala. Sori. Eh, kasi nga, biglang tingin, ‘kala namin si Ai-Ai.

At ito nga ay nai-tweet namin sa aming Twitter account. As usual, ang dami na namang nag-react. Baka raw mapaaway na naman kami sa mga fans ni Regine sa naging comment namin.

‘Yung isa, tinarayan pa kami. Sori kung na-block namin siya. Sila ay mga initials ng dyowa ni Ms. Regine kung magsipag-react.

Ano ba naman ang masama kung makamukha ni Regine si Ai-Ai? Pangit ba si Ai-Ai? Ko-medyana si Ai-Ai, pero sa ibang pares ng mga mata, maganda ang komedyana.

At saka palagay n’yo kaya, pag nakarating kay Regine ‘yan, magagalit siya? Eh, magkaibigan ang dalawang ‘yan, ba’t kailangang um-OA?

Eh, kung hindi kamukha, eh di hindi? Hindi naman kami mahirap kausap, eh. Kayo na ang humusga kung mali kami. O, baka nga mali kami, eh ‘di sorry. Okey na ba?

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

11 thoughts on “MAY JINX KAYA? JOHN ESTRADA, KINATATAKUTANG I-MANAGE

  1. wots wrong kung nasabing kamukha ni regine c ai ai,,,,atleast c ai ai natural na ganda,,,c regine dami ng pinaretoke nyan. tingnan mo pic nya nun sa ngaun ,laki ng pinagbago!

  2. DAMING ANAK NI JOHN KAY JANICE,,NA DAPAT NYANG SUPORTAHAN,,KUN DI GYERA ITO,,WAAHAHH,,,KAHIT MAY ASAWA NA SYA,,MAGING AMA SYA SA MGA ITO,,KUNDI,,ISYU ITO,,SI JANICE PA,,

  3. NEGA AT SIRA DIN AKSE ANG IMAGE NI JOHN SA TAO,,SINCE NOONG,,PAKASIRA SILA NI VANESA DEL BIANCO diba,..ayaw na ng tao sa kanya,,,,…baka,,,di kumita ang manager,,,wahahahaha..

    BAKIT NAMAN KASE SINALI PA SI MARIEL JAN SA SHOW NA IYAN,,,DAMI NAMANG PWEDI DIBA,,,MGA GUD IMAGE NA OK MAG HOST,,,BAKA MAG FLOP ITO..

  4. Na-sight ko yang billboard na yan. Kamukha talaga siya ni Ai-Ai. Ang OA talaga mag-react nung iba sa Twitter. Kung si Regine nga NR. Sila naman nagkukumahog sumagot. Para namang life-altering moment ung pagsagot nila.

  5. Unique ang bagong noontime show ng ABS. Imagine, Si Toni G at Randy magkasama. Saan ka pa makakita ng isang dokleng at kirat na mga hosts.

Leave a Reply

Your email address will not be published.