May involved na third party Joshua Zamora at Jopay Paguia, hiwalay na!

KUMPIRMADONG HIWALAY NA ang couple na sina Jopay Paguia at Joshua Zamora na minsan pang nagplanong magpakasal dahil na rin sa sobrang pagmamahal.

Ayon pa sa nasungkit naming balita, si Joshua raw ang unang nakipaghiwalay na ang naging dahilan ay marami pa raw siyang bagay na gustong gawin sa kanyang buhay.

Pero iba ang nakarating sa aming balita. Ang katotohanan daw ay may ibang babaeng nagugustuhan si Joshua at ito raw ang ‘apple of the eye’ ng guwapong dancer/ actor. Ito raw bale ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay si Joshua kay Jopay.

Marami ang nanghihinayang sa naging ending ng relasyon ng dalawang mananayaw, dahil marami na ring pagsubok ang dumating sa relasyon ng mga ito, pero pareho nilang nalusutan. At kahit nga si Jopay, iniwan ang kanyang grupong SexBomb na noo’y sikat na sikat at nag-focus sa kanyang lovelife at business nilang dalawa ni Joshua. Pero ang ending pala, sa hiwalayan din mauuwi ang maganda nilang pagsasama.

 

NALULUNGKOT DAW AT na-shock ang anak ni Senator Bong Revilla at pamangkin ng yumaong si Ramgen Revilla na pinakabagong dagdag sa cast ng Daldalita na si Luigi Revilla sa brutal na pagpatay sa kanyang tiyuhin na si Ramgen at sa nangyayari sa kanilang pamilya ngayon.

Tsika nga nito nang makausap namin sa GMAAC Profile magazine Launch na nagluluksa ang kanilang pamilya sa pagkamatay ni Ramgen at ngayon naman ay ang pagkakadawit ng kanyang mga tiyuhin at tiyahin na sina RJ at Ramona Revilla na siya namang itinuturong suspects sa pagpaslang sa sarili nilang kapatid.

Ayaw na lang daw pag-usapan ni Luigi ang tungkol sa kanyang mga tiyuhin at tiyahin dahil wala naman daw siyang maisi-share tungkol dito, dahil wala naman siyang alam sa mga nangyari at sa mga latest updates dito.

 

SA NOV. 12, 8 p.m. na ang Pre Pageant nang inaabangang 2011 Amazing Philippine Beauties na gaganapin sa Manila Film Center, CCP Complex, Pasay City, hatid ng Adajar Dental Services in cooperation with the Pasay City Tourism and Cultural Development Office.

25 beautiful/ intelligent/ glamorous transgenders candidates ang magpapakitang-gilas para masungkit ang korona para tanghaling 2011 Ms. Amazing Philippine Beauties. Ito’y sa pakikipagtulungan ng Casa de Imahe, 5 Star Souveneir Shop, Kulay Express, Asian Star Publishing House, Sofitel, STI, ERASE, Clarins Catering, Sun Cruises, Fernandina 88 Hotel, Gracias Food Manufacturing Corp, 101.1 YES FM at 90.7 LOVE .

 

MARIING PINABULAANAN NG GMAAC prime artist na si Sheena Halili ang kumakalat na balitang may nakakita sa kanilang naglalaplapan ng sinasabing BF nitong si Rocco Nacino sa bakuran ng GMA-7 na nang una ay dinaan sa blind item at kalaunan ay pina-ngalanan na rin, at ang pangalan nga nila ni Rocco ang itinuturong laman ng blind item.

Ayon sa magaling na comedienne, walang katotohanan ang nasabing malisyosong balita, dahil wala raw sa hinagap ng kanyang isipan na gawin iyon. Lumaki raw siya sa isang konserbatibong pamilya at punum-puno ng pangaral mula sa kanyang magulang .

First time daw siyang ma-issue nang ganun sa tagal niya sa showbiz, kaya naman daw ‘di nito naiwasang sumama ang loob sa mga taong nagpapakalat nito, dahil hindi nga naman maganda sa katulad niyang babae na ma-issue sa ganu’n klaseng balita.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “May involved na third party Joshua Zamora at Jopay Paguia, hiwalay na!

  1. Agree ako sa yo Ruel, ang mga taong manunulot, susulotin rin yong ninakaw mo in the future. It happens in most cases, yong mga taong pumasok sa relasyon na may sabit na yong isa, makarma talaga at the end, kunin din sa kanya yong sinulit nya.

  2. PINAGPARAUSAN LNG C JOPAY. TANGA KC CYA MANONG PUMATOL NA LNG CYA SA RICH NA LALAKE KHIT GURANG ATLEAST NAGASGAS MAN PWERTA NYA EH MAY PERA NMAN CYA KESA PUMATOL CYA SA PATAY GUTOM NA JOSHUA NA YUN NA HIWALAY SA ASAWA. YAN IMORAL KC CYA EH NAKARMA TULOY CYA. BWAHAHAHAHAHAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.