May Indonesian at Malaysian projects naman daw
Teejay Marquez, ‘di raw naiinggit sa bida roles ng co-Tweens

WALA RAW inggit na nararamdaman ang Kapuso Tweenstar at isa sa mabentang endorser ng iba’t ibang produkto sa bansa na si Teejay Marquez sa kanyang co-Tweens na pare-parehong nagbibida na sa mga teleserye ng Kapuso Network.

Kahit papaano raw kasi, hindi siya pinababayaan ng GMA-7 at binibigyan pa rin ng proyekto. Ang mahalaga naman daw kasi kay Teejay, hindi siya nababakante at laging may trabaho, kesehodang support lang siya sa mga soap ng GMA-7.

“Hindi naman po, kasi hindi ko pinapasok sa isip ko ‘yung inggit. Hindi kasi healthy ‘yun ‘pag nainggit ka. Ikaw rin naman ‘yung mai-stress at masasaktan. Mas magandang maging masaya ka kung anong meron ka

“Ako kasi, happy ako sa career ko. Kasi binibigyan ako ng GMA ng trabaho, bukod pa sa commercials at pelikula na ginagawa ko. Blessed na ako nu’n. ‘Yun ‘yung ipinagpapasalamat ko sa Diyos, dahil binibigyan niya ako ng maraming blessings.

“Sabi ko nga sa sarili ko, dapat maging thankful pa rin ako kasi maraming magagandang projects na dumarating sa akin at hindi ako nababakante.

“Tsaka nagbida na rin naman ako sa pelikula, ‘yung ‘Pagari’, kasama ko si Arkin Del Rosario ng XLR8. Kaya na-experience ko na ring mag-bida.

“Ang mahalaga naman sa akin, may trabaho po ako, alam ko naman na darating din ‘yung time na mabibigyan ako ng role na bida ako, hindi naman ako nagmamadali at willing akong maghintay.

Alam naman daw ni Teejay na darating ‘yung time na mapapansin din siya ng mga ehekutibo ng GMA-7 at mabibigyan din siya ng lead role katulad ng kanyang co-Tweens na sina Jake Vargas, Derrick Monasterio, Kristoffer Martin, at Hiro Peralta.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

3 thoughts on “May Indonesian at Malaysian projects naman daw
Teejay Marquez, ‘di raw naiinggit sa bida roles ng co-Tweens

  1. ANO BA ITECH! KUNG MAY MAMA ENCHANG ANG ABS NA NAGPAPAKALALAKI KAHIT BEKING BEKI ANG ITSU, ITO NAMANG TJ MARQUEZ ANG COUNTERPART SA GMA. HAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.