MAY INDIE MOVIE KASI… DEMANDA KUNO NG TV HOST COMEDIAN SA ISANG REPORTER, GIMIK NA NAMAN!

BLIND ITEM: KINUNSULTA na raw ng isang TV host-comedian ang kanyang abogado sa kasong isasampa niya laban sa isang reporter na nagsulat na pinagtaguan umano niya ang mga nangaroling sa kanya sa set ng isang sitcom. Ayon sa TV host-comedian, paano raw nangyaring nagtago siya, samantalang siya pa nga raw ang nangolekta ng perang ibibigay sa grupo ng mga reporter-caroler?

In fairness to him, isa sa mga iniulat na cash donor para sa idinaos na Christmas party ng isang sama-han ng mga showbiz writer ay ang TV host-comedian na ito. And take note, his was a hefty cash donation. Kinabog ang dalawang sakong bigas ng isa ring TV host-comedian na si Teri Onor!

Pero para idemanda pa ng TV host-comedian ang isang reporter, dalawang bagay. Una, mas-yadong OA ang legal action ng hitad. Idinepensa na niya ang kanyang sarili, naisulat na sa diyaryo ang panig niya, so bakit may abogado pa siyang nalalaman?

Pangalawa, minsan nang nagbanta ang TV host-comedian na ito na mag-dedemanda ng dalawang reporter noon. Gimik lang pala ‘yon ng hitad para i-promote ang kanyang Valentine show noon! May indie film na ginagawa ang hitad this Valentine month, kaya walang nabago sa gimik niya.

Story, like history, repeats itself. ‘Teh, ibahin mo naman ang drama mo, and you had better be honest. Don’t lie to us!

“IF I AM not credible, why do more than 200,000 people follow me in my Twitter account?” depensa ni Tim Yap nang pasinungalingan ni TJ Manotoc, also through tweet, ang ibinalitang date nina Phil Younghusband at Angel Locsin.

Ayon kay Tim, who tweeted: “Just learned that Phil Younghusband will be going out on a date with Angel Locsin tomorrow. They’re gonna go target shooting,” habang tinu-tweet niya ‘yon ay kaharap niya mismo ang sikat na football player at a bar in Makati City last Saturday.

Agad naman daw tsinek ni TJ kay Phil kung totoo ‘yon. Hindi raw totoong nagkaroon ng shoo-ting range date sina Phil at Angel. Parang pinalalabas ng sportscaster na gawa-gawa lang ‘yon ni Tim, since at one point ay minsan nang nakuryente ang TV host when he tweeted the super mega lotto winner, remember?

Paanong magiging “bum steer” ang tweet ni Tim, samantalang very obvious na “future progressive tense” ang kanyang ginamit: “will be going out…”? Puwedeng hindi natuloy ang naturang date, as it actually did happen dahil nu’ng magpunta raw sina Phil at Angel sa shoo-ting range, sarado ito dahil Sunday!

For the record, Tim has been friends with the Younghusband brothers even before their Azkals football team came into being. And among friends, may mga bagay na maaa-ring sila-sila lang ang nakakaalam, but they would never share sensitive topics with other people.

It could also be case of Tim “outscooping” TJ na sports pa mandin ang beat, pero naunahan ng isang host from another field?

Anyway, nag-sorry naman daw si TJ kay Tim, the latter accepted the apology, pero hindi niya itinanggi na nainis siya sa naturang sportscaster.

Looking back, nag-sorry rin si Tim sa Inquirer reporter whom he mistook for the lotto winner, even if Tim’s tweet was just a “repeat tweet” from another person. Having learned from that boo-boo, lalong mas maingat si Tim sa kanyang mga tweets.

Most specially if his followers are now more than 200,000 and still counting.


Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

One thought on “MAY INDIE MOVIE KASI… DEMANDA KUNO NG TV HOST COMEDIAN SA ISANG REPORTER, GIMIK NA NAMAN!

  1. di bagay kay TJ,,kase usapang showbiz,,,hala!!bumigay na ba si tj,,wahahhhah,,si tim,,ok lang,,kase gay naman sya,,wahahahahha,,e si tj,,dapat walang ganyan,,meganon!!!!!hala tj,,,,,,wahahahahh,,wag kang sumali sa ganyang usapan,,ikakasira mo,,,

Leave a Reply

Your email address will not be published.