MAY-I-WAIT SI BOY KAY GIRL… ERICH GONZALES AT ENRIQUE GIL, MAGSYOTA TALAGA?!

GRAND FINALS NA ng show ng Megastar na si Sharon Cu-neta na Star Power sa ABS-CBN sa darating na Linggo, February 20. Ang alam namin, The Biggest Loser ang next TV show ni Ate Shawie na ipalalabas ng late April pa.

Pero napag-alaman namin na may gagawin raw munang musical variety show for eight consecutive Sundays si Mega na mag-uumpisa na raw sa susunod na Linggo na parang magiging kapalit ng Star Power.

So, hindi rin mapapahinga ang singer-actress-TV host. Kunsabagay, may isa pang show sa Lifestyle channel si Ate Shawie.

NAKAKATUWA ANG MAGKASINTAHANG John Prats at Rachelle Ann Go, dahil kahit sa Twitter, sweet na sweet ang dalawa sa isa’t isa. Tinu-tweet talaga nina John at Rachelle Ann kung gaano nila ka-miss ang isa’t-isa. Mukhang nakakatulong din sa kanilang relasyon na nasa magkaibang network sila, hindi sila nagkakasawaan.

Birthday ni John nu’ng Valentine’s Day, last Monday. Pero nagkaroon siya ng small celebration sa bahay nila on the eve of his birthday last Sunday with his family and friends, and of course, with his special someone, Rachelle Ann.

Nu’ng Valentine’s Day, nasa Singapore si Rachelle Ann na ayon sa kanyang tweet around 7 PM: “Singapore na! may kulang…”

NAG-DENY NA NOON si Erich Gonzales na walang namamagitan sa kanila ni Enrique Gil, o hindi ito nanliligaw sa kanya na huling nakasama ng young actress sa defunct show na Shoutout sa ABS-CBN.

Pero nagulat kami nang makita namin ang young actor last Thursday, February 10, nang gabi sa rehearsal ng bagong noontime show ng Dos na Happy, Yipee, Yehey! sa gilid ng malaking pinto ng Studio 4 na tila naghihintay matapos sa dance rehearsal si Erich.

NATATANDAAN N’YO PA ba ang dating young singer na napapanood sa Kapamilya shows na si Maoui David? Siya pala ang dine-date o bagong girlfriend ngayon ni Luis Alandy.

Nakita namin ang dalawa on the night of the eve of Valentine sa labas ng cinemas ng Power Plant sa Rockwell, sa Makati City. Hindi pa nga namin nakilala ang dalawa nu’ng una. Pero in fairness, binati naman nila kami. At lalong gumanda ngayon si Maoui.

Ang Oscar-nominated film na 127 Hours ang pinanood nina Luis at Maoui.

PERSONAL: BELATED HAPPY 60th birthday to my beloved Mother, Evelyn Valentina Martinez-Simeon, last Va-lentine’s Day, February 14! I love you so much, Ma!

Ugaliin n’yo pa rin pong makinig ng Wow! Ang Show- biz! with Ogie Diaz, Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, Friend Rommel Placente and yours truly, over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday to Friday, from 11 AM to 12 NN or log onto www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter, too, at francissimeon. Maraming salamat po!


Franz 2 U
by Francis Simeon

loading...

5 thoughts on “MAY-I-WAIT SI BOY KAY GIRL… ERICH GONZALES AT ENRIQUE GIL, MAGSYOTA TALAGA?!

  1. hhH mm .. Quen is nice naman poh . kEa Lng sna kung cnuh tLga ung BF nia sbihin nLng niLa . kc kung cnuh2 nLng ung niLiLink skania .. Lahat pu ng FANS nia ngugu:uhan na dn nman poh db ??..

    and all about MARIA LA DEL BARRIO .- C Enchong na pu tLga dapat .. huhuhuh .. !!! :'(

  2. wahahahahah,,gaya kay kim,,kung sino sino nalang din ang kinakabit na name kay erich para pagusapan,,wahahhaah,,,kakatawa,,..cheap sila,,wahahah,

    bata pa mgayan,,let them work namuna kase,,,we love ENRIQUE GIL,,,hes hot at gwapo tlaga,,mala MATEO GUDECELI,,pang leading man din,,,,we love him,,

    MARIA LA DEL BARRIO-si erich at balitang si EDWARD MENDEZ,,COGIe DOMINGO ang kapareha nya at hindi na si ecnhong,,para daw mag grow sila,,oo nga!

Leave a Reply

Your email address will not be published.