May Hawak sa Kaso ng 7 Bagets na Minolestiya ng 9 na Bading, Nag-Inhibit

NAG-INHIBIT NA ang Municipal Social Welfare Development Office (MSWDO) head ng Babatngon, Leyte sa pag-hawak sa kaso ng pitong kabataan na minolestiya umano ng siyam na mga bading, matapos masangkot ang kanyang apo na Sangguniang Kabataan (SK) federation president sa nasabing bayan.

Sinabi ni Babatngon, MSWD officer Marlie Ochea na pinaubaya na niya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) regional office 8 ang nabanggit na kaso dahil ayaw niya umanong mamalisyahan ang pagsisiyasat nito lalo’t kabilang ang kanyang apo.

Sinampahan na rin ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act ang nirereklamong nagmolestiyang mga bading.

Samantala, sa susunod na linggo nakatakdang ipalabas ang psychological evaluation sa pitong mga kabataan upang magamit din bi-lang ebidensya sa natu-rang kaso.

Sa ngayon, napag-alaman naman na hindi umano nakikipagtulungan ang Department of Education (DepEd) regional office upang pag-usapan ang kaso ng dalawang bading na guro na sangkot sa nasabing iskandalo.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.