May edad nang aktor at dating aktor, nagkagulatan sa condo building ng mayamang bading!

NA-SHOCK ANG ISANG aktor nu’ng nagtungo ito sa isang condo building para bentahan ng kanyang produkto ang isang mayamang bading. Nagkasalubong sila sa lobby ng building ng isang dating sexy actor na ngayon ay tsumabi na.

Nagkagulatan sila, “Uy, dito ka ba?” “Ay, hindi, nakitulog lang ako sa isang friend, kasi, napuyat ako sa shooting, eh. Sige, ha?”

May idea na ang medyo may-edad nang aktor, dahil kilala niya ang dating sexy actor. Parang ‘yung pupuntahan niyang condo unit at ‘yung pinanggalingan ng aktor ay iisa lang.

Eh, that time, may kasamang kaibigan ang may-edad nang aktor sa pag-e-explain ng kanilang produkto sa mayamang bading. “Pare, ba’t gano’n na lang ang tingin mo du’n kay ____, ha?”

“Wala, pare. Basta ako, I’ve been there!” ‘Yun na lang ang sabi ng may-edad nang aktor.

‘Wag na nating bigyan ng clue ang mayamang bading, dahil ‘pag nalaman n’yo kung sino si May-Edad nang Aktor at si Dating Sexy Actor eh, malalaman n’yo na kung sino ang bading.

Nako, ano’ng araw kaya sila nagkita sa lobby?
Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday, Saturday o Sunday?

Makakain nga sa Jollibee.

(By Ogie Diaz)

Previous articleDahil sa pagsi-shopping sa mga sale: reporters, nasalisihan ng kalabang istasyon sa exclusive coverage ng malaking event!
Next articleSusan Roces, ‘di nagtanim ng galit kay GMA!

No posts to display