May edad na mahusay na aktor, suki ng pirated DVD!

BLIND ITEM: Sa isang sprawling university naispatan ng TV crew ang isang may edad na pero mahusay na theatre/TV/film actor na tinatalakan ang may-ari ng puwestong nagbebenta ng mga pirated DVDs katabi ng isang barbekyuhan.

Bakit daw roon pa napili ng stall owner na magtinda ng naturang kalakal? Maagap naman ang TV crew na dinig na dinig ang pasigaw na paninita ng aktor, kaya pasimple nilang kinunan ang nahuling tagpo.

Naloka na lang daw ang TV crew nang maya-maya pa’y humupa na ang galit ng beteranong aktor at nakita nilang he was sifting through the DVD files neatly arranged according to genre, sabay narinig nilang nagtanong ito sa tindera ng, “May kopya ka ba ng Kimidora?”

Da who ang aktor na ‘yon? Itago na lang natin siya sa neymsung na Tonette Mabusisi.

By Ronnie Carrasco

loading...

6 thoughts on “May edad na mahusay na aktor, suki ng pirated DVD!

  1. Wawa ka naman Ronnie. Lagi ka na lang ginagago ng mga commenters dito. Ampunin na kaya kita?

Leave a Reply

Your email address will not be published.