May drug paraphernalia sa boarding house
Parak, Isinumbong ng Misis sa Hepe

NASA KUSTODIYA na ng mga kinauukulan sa Maitum, Sarangani ang isa sa kanilang kasamahan dahil sa iligal na droga.

Nakilala ang suspek na si P01 Jomilton Timon na naka-assign sa Maitum PNP.

Sinabi ni Sarangani PNP provincial director S/Supt. Edwin Minion na base sa kanyang natanggap na impormasyon na mismong ang misis ni Timon ang nagbigay ng mga drug paraphernalia sa chief of police ng Maitum PNP.

Nangyari ito nang maaktuhan ng misis ang kanyang asawa sa boarding na may ibang babae at may nakitang mga drug paraphernalia.

Dahil dito dinis-armahan ang pulis habang nagpapatuloy pa ang pagsisiyasat.

Samantala, nakatakda namang isailalim sa drug test si P01 Timon at kung magpopositibo ito ay kakasuhan ng administratibo at kriminal.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.