May dine-date na raw sa New York Mo Twister, ayaw pa ring tigilan si Rhian Ramos

MAGPA-PASKO NA, siguro patahimikin na natin ang isyu nina Rhian Ramos at DJ Mo Twister.

Nagpa-interview pala si DJ Mo sa radio program ni Noel Ferrer nu’ng nakaraang Linggo at halos pareho lang naman daw ang sinabi nito sa huling statement na pinadala niya sa mga bloggers at sa PEP.

Nag-promote lang daw siya ng radio program niya sa 89.9 Magic FM na magsisimula sa January 1. Doon sa New York siya magra-radyo na maririnig dito sa atin. Ang alam ko, pupunta roon ang mga kaibigan niya at co-anchors sa radio para samahan muna siya.

Ang bago pa sa sinabi niya sa interview kay Noel ay may ka-date na raw siya sa New York. Kaya kung may ka-date na ito, eh ‘di patahimikin na ang gulo nila ni Rhian at huwag na siyang magsalita ng kung anu-anong akusasyon laban sa dating girlfriend.

Pati nga ang GMA-7 tinira nito, lalo na si Atty. Felipe Gozon. Kaya siguro quiet na lang at huwag nang palakihin pa ang isyu.

Kaya lang, magdedemandahan na sila, kaya tingnan na lang natin kung saan ito hahantong.

 

HINDI AKO nakapunta sa presscon ng Segunda Mano nu’ng kamakalawa ng gabi. Wagi sana ako sa raffle ni Kris Aquino.

Pero ang wagi raw talaga roon ay si Dingdong Dantes dahil puring-puri raw ito ni Kris dahil sa magaling daw niyang pagganap sa pelikula nila.

Namumula na nga si Dingdong sa sobrang hiya dahil ang daming magagandang sinabi si Kris sa kanya. Tawag nga ni Kris sa kanya ay Christian Bale of the Philippines.

Malaking challenge nga raw kay Dingdong itong project na pinagsamahan nila ni Kris kaya todo ang promo niya rito.

Hindi naman daw umaasa si Kris na mananalo siya ng acting award dito, pero mas malaki raw ang tsansa ni Dingdong.

Ito lang pala ang Segunda Mano ang walang premiere night dahil may matinding twist daw ito na dapat huwag kumalat bago mag-showing ang pelikula. Kaya mas mabuting sa filmfest na raw mismo ito mapanood ng lahat.

 

HAY, NAKU! Ako na naman ang pinagsalita sa isyu nina Vic Sotto at Pauleen Luna.

Ayaw pa rin magsalita ng dalawa tungkol sa isyu nilang dalawa. Kaya ako na naman ang kinulit.

Ako pa raw ang nagkumpirmang sila na nga. Ang sabi ko lang naman, tinawagan ako ng Mommy ni Pauleen para itanong kung ano ang masasabi ko kung sina Vic at Pauleen na nga. Hindi naman sinabing sila na nga.

Kaya siguro, hintayin na lang natin na magsalita ang dalawa bago ako magkomento pa, ‘no!

Nagtataka lang daw sila kung sino ang source ng mga nagsulat  na sila na nga. Hindi ako ‘yun, ha!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

8 thoughts on “May dine-date na raw sa New York Mo Twister, ayaw pa ring tigilan si Rhian Ramos

  1. @RUFFA GUTIERREZ, IP, THE INTERNATIONAL PROSTI , YOUR COMMENT IS A BIG HAHAHAHAHA, LOL talaga. Agree!!! Napagkamalan lang siguro na kamukha ni ropa pero baka transvestite yong kasama ni moooooooo.

  2. Si Rhian ay walang pinagkaiba ke jennylyn Mercado at heart evangelista hindi nabubuhay sa loob ng isang linggo na walang boyfriend…. Me Bagong ka LIVE IN AT  f_ck buddy si Rhian YUN  ay walang iba kundi ang anak ni Ping Lacson na wala rin pinagkaiba sa pagmumukha ni MO twisted. Sabi ni Rhian gusto raw niya mag leave pansamantala sa showbiz malamang lalayo sila ni Jeric sa malayong lugar para magromansahan at para magkaubusan ng katas hehehe pagbalik ni Rhian sana walang issue na nagpa abort na naman siya….

  3. kasi naman bakit ayaw pang aminin ng kampo ni rhian para matapos na,sabagay nakakhiya at tsaka baka nga naman mawala ang mga endorser niya…pinoy nga..ayaw umamin ng katotohanan

Leave a Reply

Your email address will not be published.