May dalang kahoy na panghampas
Mark Herras, nanugod ng taxi driver!

Mark-HerrasNGAYON LANG nasangkot sa gulo ‘tong alaga kong si Mark Herras!

Nu’ng Sabado nangyari ito eh, kung saan marami ang nakasaksi na sinusugod ni Mark ang taxi driver na may dalang kahoy na panghampas.

Nangyari pa ‘yan nu’ng nakaraang Sabado pagkatapos ng Startalk, eh. Nagkagulo du’n sa labas ng Annex bldg. ng GMA-7 nang napikon na si Mark du’n sa taxi driver na panay ang turo at galit na galit sa mga kasamahan ni Mark.

Muntik na kasing nabangga nitong taxi ang kotse ni Mark, na mabuti na lang naka-brake sila agad. Napasubsob pa nga raw ang matandang pasahero nu’ng taxi at pati si Mark ay ganu’n din.

Okay na sana ‘yun eh, kahit nagkaroon ng girian, dahil dinig ko nasapak na raw ito ng isang kasamahan ni Mark, eh. Kaya sinundan sila hanggang sa GMA at kung anu-ano pa ang sinabi sa kanila. Kaya napikon na si Mark dahil kung anu-ano pa raw ang mga sinabi nitong taxi driver.

Kaya si Mark na ang bumaba na may dalang kahoy na pamalo dahil alam niyang laging may tubo na dala ang mga taxi driver at baka unahan daw siya.

Doon napigilan na si Mark ng mga security guard. Kaya lang ang daming mga nakasaksi du’n at talagang nagkuhanan sila ng video. Malamang isa sa mga araw na ‘yan kalat na kalat na ‘yan sa internet.

Ang punto lang naman daw ni Mark, madali na raw sanang naayos ‘yun kung hindi pa umangas itong taxi driver at nagtatawag pa raw ito ng back-up sa ibang taxi driver.

Nagsampa na raw ng complaint ang taxi driver, at humingi pa ito ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo.

Mark-HerrasSabi naman ni Mark, willing siyang makipag-ayos at mabuting pag-usapan na lang daw sana. Wala naman daw siyang balak na magdemanda para kalabanin ang taxi driver na ‘yun. Pag-usapan na lang daw sana para maayos na at huwag nang patagalin pa.

 

NAKU! UNTI-UNTI nang napapansin itong Valerie Weigmann ng Eat Bulaga, na lagi silang pinaglalaban ni Isabelle Daza, ha!

Nakakatuwa naman kasi na dapat nag-OJT lang ‘yan, pero napansin ito ni Joey de Leon at biglang isinalang ito sa stage.

Ngayon, may mga fans na sila at lagi silang pinagsasabong ni Isabelle.

Kinakantiyawan na namin si Pauleen Luna na baka itong si Valerie na ang ipapalit sa kanya ni Bossing Vic, ha!

Unfair naman daw kay Bossing ‘yun na parang lagi na lang inili-link sa mga co-hosts niya sa Bulaga.

Kuwento naman sa akin ng ibang malapit sa dalawa, parang seryoso na raw si Bossing Vic kay Pauleen at hintayin na lang daw natin ang proposal.

In fairness, nagsalita nga si Vic na hindi naman daw nila itatago ‘yan. Kapag meron na raw talaga, sasabihin daw niya sa atin. May plano na nga siguro. Naku! Ready naman kaya ang magulang ni Pauleen?

Sabi na lang ng alaga ko, patahimikin na raw sana si Vic. Sana raw tigilan na sa katatanong tungkol diyan dahil parang napi-pressure naman ito. Wala naman daw sa plano nila ‘yan, at marami pa raw siyang gustong gawin para sa career niya.

Oo nga naman. Kung ano man ang plano nila ni Bossing, sana mabigyan na ito ng programa ng GMA-7, ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “May dalang kahoy na panghampas
Mark Herras, nanugod ng taxi driver!

  1. Pingback: May dalang kahoy na panghampasMark Herras, nanugod ng taxi driver!Latest Showbiz Scandal | Latest Showbiz Scandal

  2. baka naman yang valerie na yan ang sumunod na magkaroon ng sex video ha, hehehehe! alam na, sino kaya sa dabarkads ang kasama? hakhak!

    • Isa na naman palang starlet ng ABSCBN ang lumipat sa GMA at ngayon napapansin na. As usual, tahanan kasi ng dawho ang Ignacia kaya lumilipat sa ibang istasyon para magkapangalan. hakhakhak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.