May Bukas Pa, pinutakte ng mga artista!

Baka abutin ng 48 years kung iisa-isahin ko ang mga artista naging bahagi na ng teleseryeng May Bukas Pa na ipinalalabas sa ABS-CBN at sinusubaybayan ng napakaraming tao—bata man o matanda.

Pero, kapuna-puna na parang wala nang bukas kung mag-guest ang mga artista sa nasabing palabas sikat man o ‘yung mga medyo sikat lang. Noon ngang nabalitaan ko ang pag-extend sa nasabing serye, eh, medyo nalaglag ako sa kina-uupuan ko. Ang chika kasi, extended hanggang Enero sa susunod na taon and teleseryeng pinagbibidahan ni Zaijian Jaranilla. Kung totoo na aabutin hanggang 2010 ang pag-ere ng May Bukas Pa, ay naku, nakakatakot! Baka magkaroon ng shortage sa mga artistang isasalpak sa istorya ni Santino. Oo, shortage parang bigas, tubig at langis lang! Aba, kulang na lang i-guest na si Sharon Cuneta, Vilma Santos, Nora Aunor at kung sinu-sino pa. Si Kris Aquino kaya papayag mag-guest sa May Bukas Pa? Ano kayang bagay na role para kay Kris. May naiisip na ako, pero sikreto muna.

Teka, baka awayin ninyo ako dahil sa pinagsasabi ko sa May Bukas Pa. Sana lang ‘wag sa akin magalit si Bro. Peace tayo! Medyo hindi ko lang nagustuhan ‘yung linggu-linggo, eh, may bagong karakter pero, pareho lang din naman pala ang istorya. Jusko, hindi mo pa nga naiibigan ang bagong karakter, eh may panibago na naman. Parang ganito lang ‘yan eh, may bagong karakter na papasok sa storya tapos sobrang sama niya at pasan niya ang problema at kasalanan ng mundo. Tapos, bigla na lang siyang magte-teleport sa Bagong Pag-asa at biglang susulpot si Santino kasama ang mga pari. At sa isang kembot ni Santino, sabay-tugtog ng May Bukas Pa sa background, ayon anghel na ‘yung bagong karakter. Bongga! Tapos na ang kuwento. Baboosh na ang guest star at maghahanap na naman ng ipapalit. Minsan, may guest star din na parang McArthur lang, alam mo ‘yun? Balik ng balik, eh, hindi naman kagalingan sa pag-arte. Me ganu’ng blind item, talaga? Hay, paulit-ulit lang parang pirated VCD. Parang wala na tuloy patutunguhan ang istorya.

Ano kayang mangyayari kung hanggang Enero 2010, eh, ganito na lamang ang takbo ng istorya? Paki-isip lang, please. Sabagay, dahil sa pag-guest ng iba’t ibang artista sa palabas bawat linggo, eh, nabibigyan ng trabaho ‘yung mga artistang medyo matagal na ring hindi nakikita sa telebisyon.

In fairness sa May Bukas Pa, panalo naman kasi sa ratings ang serye. Kaya naman, enjoy na enjoy ang management ng Dos. Nakalulungkot, pero totoo na parang ratings at numero na lamang ang importante. Siyempre kapag may ratings, may advertisers din.

Maliban sa ratings, talaga namang “talk of the town” din ang May Bukas Pa. Umu-uso na rin ang tawag na “Bro” at siyempre, may ibang pulitiko ring nakikisakay sa kasikatan ng nasabing programa. Oh, ‘di ba? Isang patunay na hindi lamang sa ratings panalo ang May Bukas Pa.

Ay basta! Kaya naman sa staff, management at writers ng May Bukas Pa, hinay-hinay lang sa pag-guest sa mga artista dahil may bukas pa naman!

By Jeric Peña (http://www.brinknotes.net)

loading...

18 thoughts on “May Bukas Pa, pinutakte ng mga artista!

  1. This is one of the best Filipino teleseryes I’ve ever watched in my whole life. The author clearly is either having some sort of smear campaign against the show, or is riding on the show’s success in order to have people read his pathetic excuse for an article. This is what you feed your family? I pity them. Make sure they watch May Bukas Pa, so they wouldn’t end up like you did.

    BTW, the title is completely irrelevant. And here I thought it was something good about the show. You call yourself a journalist?

  2. family-oriented soap sya ky very hi rating nya. kesa nmn s ibang soap n pnay kasakiman, kalaswaan at imoralidad pinapakita. di nkksw kc nkkrelate pipol. sn b4 mtpos mkpg guest sharon at kris pti c boy abunda. sn nga gawan ng movie. any reaction?

  3. Jeric Pena needs to find another issue. Naubusan na siguro. A lot of these actors and actresses who were guests in MBP were very honored to do so. There are still those who wish to become guest in the show. MBP’s former guest are the following: KC Concepcion, Toni Gonzaga, Anne Curtis, Lorna Tolentino and many more that are admired in the industry. Piolo Pascual is slated to appear also. I enjoy watching the show and so do all the members of my family. It’s a change from all the violence that we see around us. It makes us feel good watching it, so Jeric Pena, mind your own business.

  4. ****Lesson:****

    May Bukas Pa: Maging mabait na mga bata para tulungan ni Bro.

    Darna: Paano lumunok ng bato.

    ****Target Audience:****

    May Bukas Pa: Ang kabataan para may matutunan tungkol sa kabutihan.

    Darna: Mga kalalakihang manyak para pag-jakulan ang tupis na costume ni Marian.

    ****Role Model****

    May Bukas Pa: Laging magdasal kay Bro.

    Darna: Mag-tupis sa public habang nakikipag catfight sa ibang babaeng naka-costume din.

  5. Ang importante ang aral…, in besides ang target audience nito ay mga bata…ana bang malay nila sa every mga guesting, or pabalik-balik ang flow every week ” Parang ganito lang ‘yan eh, may bagong karakter na papasok sa storya tapos sobrang sama niya at pasan niya ang problema at kasalanan ng mundo. Tapos, bigla na lang siyang magte-teleport sa Bagong Pag-asa at biglang susulpot si Santino kasama ang mga pari. At sa isang kembot ni Santino, sabay-tugtog ng May Bukas Pa sa background, ayon anghel na ‘yung bagong karakter. Bongga! Tapos na ang kuwento” …ANG IMPORTANTE ANG ARAL…Hindi katulad nang DARNA…ang target market ang mga lalaking malilibog…. pasuotin ng two-piece?…, ano ba dba mga bata ang audience dd2?..hindi naman kailangan 2 piece…

  6. dapat d ung QUANTITY ung tinitingnan mo kundi ung QUALITY nung MBP! ang importante may LESSON na Natutunan sa bawat kwento ng ARTISTA na nag gGuest :) sa simbahan nga npg uusapan even sa mga catholic school ang MBP pa ay isang palabas na nagtuturo ng pagmamahal respeto paniniwala at pag ASA na may BUKAS pa.

  7. mas mabuti na yung maraming guest na artista kesa sa mga shows ng gma na paulit-ulit ang guest sa mga shows mapaumaga hanggang gabi!! nakakasawa!!

  8. watever! ilove MAY BUKAS PA..kung pwede nga lng na hndi na to matapos ever ee..
    excuse me lng..plz lng wag mo nga intrgahain ang MBP..it helps me a lot..4 being strong,and gud individual..
    ……tam c chin,intrgahin mo nlang dun ang DARNA na cheap!

  9. FYI my sinosolve din clang problem sa MBP..at mgnda tlga ang show na to kc lhat ng klac ng problema ee ini emphasize nla,tpos 22lungan lng kng ano ang dpat at mbuting gwin ng 1 tao na may gnoong problema..

    ..at role model din tong MBP pra sa mga bata huh..ngging good ang mga bata..naniniwala/ngtitiwala ky ky BRO..

    …..ang landi ng writer n2..kung ang darna kya ang pinupukol mu jan..pang 10 na ata ulit2in yan ee..hndi pa ba cla nhihiya..puro remake sa GMA..!prang mga walang utak na hndi mkpg isip ng bgong show..

    DA BEST ABS CBN..no.1 noon,ngaun,bkas at hanggang gumuho ang mundo..

  10. ron-ron I agree with you, considering the good lessons learned each week, hindi lang ng mga kids kundi pati na rin ang mga matured persons na minsan na o overlook ang hindi tama na ginagawa. This serves as a reminder for all of us to do good ( be it small deed or big deed). Ika nga mas palaki ang positive effect ng story kesa parati na lang rating ang pinaguusapan. God Bless everyone.

  11. ano ka ba naman JERIC PEÑA?!…yun mga artista lang ba ang importante sayo?…hindi lang naman sila nag-eentertain, kundi nagbibigay aral pa…eh ano naman kung mag-guest yung mga big star…atleast bukod sa pagiging star nila eh part pa sila sa pagiging mabuting ehemplo na dulot ng drama…ganitong drama ang kailangan mapanood ng mga bata ngayon…dahil marami na ang napapariwara, lumalaking bastos at napapabayaan ng mga magulang…nakakalimutan ang GMRC, ang pagdarasal kay BRO at kung ano-ano pa ang dapat matutunan…hindi ko alam kung bakit mo nasabing “Parang wala na tuloy patutunguhan ang istorya”…napapanood mo ba, nasusubaybayan at naiintindihan mo bang maigi?…

  12. hoy kinsa man ang nagsulat ani??? Gabaan baya mo pang ginoo ra ba na?? Siguro ang nagsulat ani ganahan ug mga impakto ug porma pareha sa gma nga darna mga has… in fact may bukas raba ang ako rang tan awon..

  13. Eh ang dami ng mga successful shows na nag-last ng 1 – 2 years…at hanggang ngayon hindi pa rin makalimutan!

    Esperanza – 2 years -> 1997 – 1999

    Mula Sa Puso – 2 years -> 1997 – 1999

    Pangako sa’yo – 2 years -> 2002 – 2004

    at ang sama naman ng title…paki palitan naman ng “pinutakte”.

Leave a Reply

Your email address will not be published.