May bitbit na ‘peace offering’
Marian Rivera, personal na pinuntahan si Cristy Fermin

IKALAWANG TAON nang ipinatutupad ng kampo ni Marian Rivera ang “selective invitation” sa entertainment media.

Last Sunday idinaos ni Marian ang kanyang Christmas treat for the press as her way of sharing her blessings. Grand winner na nag-uwi ng P50,000 was Dinno Erece; samantalang a total of P43,000 sa tatlong ikot ng raffle ang nakuha ni (Ate) Len Llanes.

But the event was not intended for the general working press. Like last year, ang nagsasala ng mga iimbitahan lang ay ang manager ng aktres, si Popoy Caritativo. It seems that Popoy keeps track of those who write ill of his ward, hence, hindi welcome ang mga ito sa pagmumudmod nila ng grasya.

Kunsabagay, it’s Marian and Popoy’s call. After all, it’s their hard-earned money they are parting with the press.

Pero walang iniwan ang Christmas treat which is supposed to be shared and partaken of. Kung naging ugali na nina Marian at Popoy ang mamili lang ng mga reporter na pasasayahin, they are not, in effect, trying to win their opponents to their side.

Sila pa tuloy ang nagdedeklara ng giyera with their selective invitation scheme against those reporters who are simply doing their job. Makanti lang pala si Marian, out of grace na ang reporter?

Several months ago, “suki” si Marian ng mga kolum ng kaibigang Cristy Fermin, ke sa mga blind item o diretsong pagpapangalan sa kanya sa ‘di na mabilang na pagkakataon. Perhaps, Marian and Popoy realized how much effect Cristy’s write-ups had on them, hayun, sinadya mismo ni Marian si Cristy sa studio nang may bitbit na “peace offering.”

Too bad, hindi lahat ng mga kabilang sa entertainment media have names as big and powerful as Cristy’s. Even then, at least 10 of “inferior” heads can match the famous TV host-columnist.

 

INAMIN MISMO ni Vic Sotto na hindi pa siya handang pumalaot sa pulitika. In recent memory, putok na putok ang pagtakbo ng tinaguriang Festival Box-Office King sa pagka-mayor sa Quezon City. But he flatly denied it later.

“If I get into something, I want to give my 100%,” sabi ni Bossing sa presscon ng Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako, an entry to this year’s Metro Manila Film Festival.

Admittedly, kung natuloy raw siya sa pagpa-file ng kanyang Certificate of Candidacy (CoC) ay hindi niya ka yang pagsabayin ang serbisyo publiko at ang pagbibigay ng kasiyahan sa Eat Bulaga. To Vic, second skin na raw niya ang kanyang daily noontime show na wala siyang kabalak-balak iwan.

“Besides, Eat Bulaga is not just an entertainment show, it is also public service. Puwede naman tayong mabigay ng serbisyo sa publiko nang hindi pumapasok sa pulitika, ‘di ba?” katwiran niya.

Meanwhile, Si Agimat is his second time with Senator Bong Revilla, the first was two years ago. Naging mas magaan daw ang kanilang pagtatrabaho. Unang pagkakataon naman ni Bossing to work with Judy Ann Santos on the big screen.

Puring-puri ni Vic si Juday for her professionalism. “Kahit pagulungin pa siya sa disyerto sa tindi ng init, hindi mo siya mariringgan ng reklamo. ‘O, Juday, okey ka lang ba?’ Ang isasagot niya sa ‘yo, ‘Okey lang,’ kahit alam mong hindi siya okey,” natatawang rebelasyon ni Bossing.

Of course, moot and academic na ang nais ng bawat produksiyon na may kalahok sa MMFF: ang maging top grosser. Does Vic resonate this fact? “Lahat naman kasi ng mga festival entry, eh, mabibigat. Kaso, kami nga ang number 1, tapos, hindi naman kumikita ‘yung iba, hindi rin maganda. Ang festival na ito ay upang tulungan ang movie industry. Mas maraming kikitain, mas maganda para everybody happy,” pagtatapos ni Vic.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Related Post

loading...

10 thoughts on “May bitbit na ‘peace offering’
Marian Rivera, personal na pinuntahan si Cristy Fermin

  1. kung magsalita naman kayo, parang kilalang kilala nyo si cristy fermin! maghunusdili kayo! baka tumalbog sa inyo yang mga pinagsasabi nyo! di nyo kilala yung tao kaya wala kayong karapatang husgahan sya! mas busilak ang puso nya kesa sa inyo! mga wala kayong magawa!

  2. yan ang gusto ni crispy fermin playing god, ang kumagat sa pain nya ang talo! ang dapat sa babaeng ito mawala sa showbiz, ginagawa nya nang hanap buhay ang manira ng tao!

  3. Okay call all artists to do the same as Marian is doing para hindi kayo maisulat ng masama ni bubonika, hehehehehe.  Magbitbit din kayo ng makapagliga duon sa mga writer na mukhang may green grass sa tahanan nila at isali mo na dun si mabahong alfafungus at snatcher lowlaytah.

  4. Kahit anong gawing pagpapabango ni Marian sa press o tao, sira na sya sa tao. Look, palagi syang nasa telebabad pero walang commercials. Kasi alam ng advertisers ang malansa nyang ugali at di na nagre rate ang Primetime Queen kuno.

    • Sigurado ka walang commercial? Nanunuod ka ba talaga ng shows ni MR?
      Ang dami kayang commercials ng show ni MR.
      Bibigyan ba siya ng primetime show kung walang mag-advertise, di naman siguro bobo ang GMA.

  5. BAKLA WAG KA NA MAGDABOG DYAN AT MA HURT ANG FEELINGS KUNG HINDI KA KASAMA SA PARTY FOR THE PRESS NI MARIANITA. EH KASI NAMAN ATENG YUNG PINIPILI MONG I PI PR PURO NAMAN MGA KURIPOT NAG AAKSAYA KA NG PANAHON SA KA PPR WALA KA NAMANG BONUS NA NARERECEIVE MAG PAPASKO NA WALA KA MAN LANG REGALO SA MGA ARTISTA NA PR MO. PUMILI KA KASI NG SIKAT AT GENEROUS MAGBIGAY NG PERA.

  6. UY! BITTER ANG BAKLANG KARAKAS! NDI XE ININVITE SA PARTY NI MARIAN! HAHAHA! PWDE BA BAKLANG ADIK WG KNA MAGMALINIS! BAYARAN KA DN GYA NI LUCIFERMIN! PERA LNG KATAPAT NYO PRA MANAHIMIK KAUNG MGA ANIMAL NA WRITER!

  7. susme, sino maysabing powerful pa yang cristy na yan? ayan nga at hindi siya maka-IGIK sa pagtira sa kaniya nina pete ampalaya at peter ledesma.. kung powerful pa yang si ANAY cristy, eh di sana natsutsugi ang mga show niya, buti pa noong wala pa siya sa juicy, nakatagal pa ito ng ilang taon, pero pagdapo niya sa show natigbak na.. isa pa yang popoy na yan na manager ni marian, hindi raw kasi marunong makisama yan,  kunsabagay magkaka-feather naman sila ni cristy na puro kahig lang ang alam

  8. As usual, yan ang gusto ni CRISTY FERMIN, pera at regalo..expect na natin na ipagtanggol niya si marian..kabilang na sa mga nagbabayad kay cristy si willie at cesar..pati na ang carrascong eto bayaran din eto..their the one’s making the big mess and shit in the showbiz world.

Leave a Reply

Your email address will not be published.