May BF naman: mahinhin at maamong young actress, naghahabol sa isang hunk actor?!

NAKATANGA LANG kami habang nagkukuwento ang aming source. Nakatanga kami, kasi hindi namin ma-imagine na ‘yung hinhin at amo ng mukhang ‘yon ng young actress, naghahabol sa lalaki?

Kasi, nu’ng nagkaroon sila ng series of shows abroad ng isang hunk actor ay doon pala medyo nag-“harot mode” ang young actress.

Paano?

‘Eto na, eh ilang cities ‘yung kanilang pinuntahan kasama ang iba pang artista. Pero juice ko, talo pa ni young actress ang mga kaluluwa sa pagpaparamdam na gusto niyang “magpatikim” sa hunk actor, nakakalokah.

“Kung anu-ano nang pag-aasikaso ang ginagawa niya sa guy during the tour. Pero kahit ‘yung ibang kasamahan, nararamdaman na rin nila, eh.

“Eh, ‘di ba, merong dyowa ‘yang young actress na ‘yan? Ba’t lumalandi pa? Alam mo kung mahilig lang talaga sa babae ang hunk actor, pinagbigyan na niya ang young actress, eh.

“Kaso, kilala nu’ng guy ang boyfriend niya, kaya hindi niya pinatos. Saka kahit walang dyowa ang girl, eh hindi para patusin niya rin ito, dahil ang laging iniisip ng aktor, me mga kapatid din siyang babae.

“Dahil noon pa, katuwiran ng hunk actor, ‘pag nahuli niya ‘yung mga bayaw niya na me iba, magagalit talaga siya. Eh, si Hunk Actor, have din ng dyowa, ‘di ba? Kaya nakakatuwa ‘yung lalaki, kasi, hindi na para i-brag niya to everybody na nilalandi siya ng young actress!”

Sumumpa pa ang aming source na totoo ang kanyang kuwento at hindi siya nag-iimbento. “Kung iba-blind item mo, laliman mo lang ang clue, ha? Para ‘pag nabasa niya, magsilbing warning na sa kanya.

“Na ang kalandian ay may kakambal na kapahamakan! Juice ko, mare, hindi ba siya kuntento sa dyowa niya? Ba’t naghahanap pa siya ng iba eh, kahit sinong bakla, gustong hadahin ang dyowa niya!”

Hahahaha! Hay, nako, ewan ko. Basta hanggang ngayon, tulala pa rin ang byuti namin, dahil kilala talaga naming napakasimpleng babae ng young actress na kahit saan namin makita ay marespetong bata.

(By Ogie Diaz)

loading...

24 thoughts on “May BF naman: mahinhin at maamong young actress, naghahabol sa isang hunk actor?!

  1.  I think it’s Maja majarot yun eh!!1 pero kong sabihin maamo ang mukha di nman maamo yung mukha nun maangas na malandi ang dating nun eh..

  2. nako maamong muka??  young actress?? baka si mahal yan, mukang maamo muka ni mahal dba? tpos YOUNG, eh maliit sya mukang bata! tama si mahal nga yan! xP

  3. Feeling ko hindi yan si KC kasi halata namang peke yung relasyon DAW nila ni Piolo kasi bakla yun dba? :D Malamang alamang si Shaina yun, maharot daw eh.  XD

  4. palagay ko si KC, bf piolo, tapos si Sam ang nillandi…. Wala namang bf si Erich eh, sa pagkakaalam ko…

  5. nalilito ako if ->Erich-> Derek-> Angelika

    or

    Piolo -> KC -> Sam -> (single DAW si Sam eh, so walang GF)

  6. si shainang mahindut yan..remember nung cla pa ni unanong john prats..nagcheat xa kaya naging cla ni panot na john loyd ngaun..

  7. clue? kakambal? kambal sa uma star, shaina magdayao gf ni john lloyd cruz na gustong hadahin ng mga bading..maamong mukha.. ung “hunk actor”? i don’t know.

  8. KC nilandi si Gerald Anderson, na kahit sinong bakla, gustong hadahin ang dyowa niya na walang iba kundi si piolo pascual

Leave a Reply

Your email address will not be published.