May bago na namang apple of the eye… Arci Muñoz, dinidiskartehan ni Willie Revillame?

AMINADO ANG Kapatid star na si Arci Muñoz na nag-tweet siya ng picture na may hawak siyang Singapore dollars na nagkakahalaga ng P2M nu’ng panahong nasa Singapore siya. Inamin din ng aktres na pera ‘yon ni Willie Revillame, na hinawakan niya lang para magpakuha ng litrato. Pinambayad daw ‘yon ni Willie sa Louis Vuitton store sa SG kung saan nag-shopping ito para sa grupo nila at sa iba pang kaibigan nito na reregaluhan. May mga lumalabas na tsikang dinidiskartehan siya ng TV host na mariing itinanggi naman ng ating bida. Ayon kay Arci, magkaibigan lang daw sila at first time lang daw niya itong nakasama out of the country… silang lahat na dinala ni Willie sa Singapore nu’ng Undas. Binigyan din daw silang lahat ni Willie ng shopping money. Binilhan daw siya ni Willie ng mamahaling LV bag bilang regalo. Ang ibig kayang sabihin nito, favorite siya ng TV host bilang parati siyang nagge-guest sa show nitong Wil Time Bigtime? Baka naman siya ang bagong apple of the eye ni Will? Sa tingin n’yo, mga kaparazzi, swak kaya ang tambalang Willie at Arci in the future? Hehehe!

Photos by Luz Candaba, Ricky Agapito, Mark Atienza & Parazzi Wires

By MK Caguingin

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.