May attitude na young aktres, muntik nang idemanda ng make-up artist!

MUNTIK PALANG IDEMANDA ng isang make-up artist ang isang may attitude na young actress.

Kinapos kasi noong araw na iyon ang baklitang taga-make-up kaya naman nanghihiram ito ng pera sa mga

taga-production. May babayaran kasing medyo malaki ang hitad.

Nagkataon namang nawalan ng dollars ang aktres sa taping. Nalaman niyang nangangailangan ang make-up artist ng pera noong araw na iyon kaya iyon ang kanyang pinagbintangan.

Nagalit ang baklita nang malaman niyang siya ang pinagbibintangan. Pinanindigan niyang wala siyang kinalaman sa pagkawala ng dollars ng young actress. Oo nga’t in dire need of money siya noong araw na iyon pero hindi raw siya magnanakaw.

Sa nangyari ay binalak pa nga raw idemanda ng make-up artist ang young actress dahil hindi nga naman maganda sa kanyang reputasyon ang binibintang sa kanya.

Da who ang aktres? Naku, in fairness, pang-mayaman ang tunog ng name niya. ‘Yung name lang, ha!

(By Alex Brosas)

loading...

12 thoughts on “May attitude na young aktres, muntik nang idemanda ng make-up artist!

  1. eh pang mayaman daw yung name lang…
    eh diba pang mayaman na name naman ung GONZALES at ASUNCION?
    so it means.. chaka ung last name nyan!

  2. Erich!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  3. Who care’s naman sa makeup artist na yun, napagbintangan lang naman. pinoy na talaga walang mangyayari kung balat sibuyas.

Leave a Reply

Your email address will not be published.