May-ari ng Legacy, Dinampot sa Ospital

Inaresto ng Quezon City Police sa kanyang kuwarto sa St. Luke’s Hospital sa Quezon City ang may-ari ng Legacy Group na si Celso de los Angeles, na pangunahing suspek sa insurance at pension scam kahapon ng tanghali.

Inihain ang arrest warrant kay Angeles sa room 1703 ng nasabing ospital, habang naka-confine ito at nagpapagamot sanhi  ng stage 4 throat cancer.

Ang nasabing arrest warrant ay inilabas ni Judge Clinton C. Nuevo ng Regional Trial Court 8 Judicial Region Branch 12 sa Ormoc City, ayon kay Inspector Edgar Enopia, hepe ng warrant section ng QCPD.

Nahaharap sa patung-patong na kaso si Angeles bunsod ng pagsara ng mga bangko at pre-need plans sa ilalim ng Legacy Group.

Inihayag ni Atty. Elmar Galacia, abogado ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), na ang arrest warrant ay para sa kasong syndicated estafa na isinampa laban sa kanya ng BSP dahil sa pagsasara ng Legacy.

Kasalukuyangh nakapiit sa Kampo Caringal sa Quezon City si Angeles.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “May-ari ng Legacy, Dinampot sa Ospital

Leave a Reply

Your email address will not be published.