May-ari ng Gasolinahan, Hinoldap ng Bodyguard; P3.2-M, Natangay

PINAGHAHANAP NA nga-yon ng mga awtoridad ang isang lalaki na bodyguard ng isang negosyante at pinsan nito na responsable sa panghoholdap sa kanyang amo sa Sitio Gulod, Brgy. Bulac, Sta. Maria, Bulacan.

Sa ulat na tinanggap ni OIC PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Joel S. Orduna, kinalala ang biktimang si Robert Antonio, 45 anyos, binata, may-ari ng isang gasolinahan, residente sa nabanggit na lugar, habang pinaghahanap naman ang tumakas na bodyguard na nakilala lamang sa alyas na Albert at pinsan nito.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ng mga pulis, dakong alas-11:00 ng umaga nang maganap ang panghoholdap sa biktima sa loob mismo ng kanyang bahay.

Nabatid na bukod sa pera na nagkakahalaga ng P3.2 milyon na benta ng kanyang mga gasolinahan, tinangay rin ng mag-pinsan na suspek ang mamaha-ling alahas nito at service fire arms na cal. 45, kung saan walang kamalay-malay ang mga tauhan ng biktima na nakagapos na ang kanilang amo sa loob ng kanyang kuwarto.

Matapos ang panghoholdap, itinakas din ng suspek ang kulay pulang Chevrolet Colorado na kotse, na pag-aari ng biktima. Makalipas ang halos isang oras, natagpuan ang inabandonang sasakyan sa isang  subdivision sa Brgy. Guyong.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga pulis hinggil sa naturang insidente ng panghoholdap.

(TONY DELA PEÑA)   

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.