May-Ari ng Bar, ‘Di na Binayaran, Hinipuan pa

 

KULONG ANG isang vendor na costumer ng isang bar matapos manghipo at hindi magbayad ng bill sa may-ari ng Jasmin Videoke Bar sa Brgy. Sto. Cristo, San Jose del Monte City.

Sa ulat na ipinadala ni P/Supt. Raniel Valones kay Bulacan Provincial Director P/Sr. Supt. Fernando Mendez, Jr., kinilala ang suspek na si Amer Cano Y Jamier, 27 anyos, may-asawa, ng Sitio Complex, Brgy. Sto. Cristo; samantalang ang biktima naman ay nakilalang si Imelda Ancheta Y De Guzman, 42 anyos, may-ari ng bar.

Base sa inisyal na im-bestigasyon ni PO2 Rene Angol, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang maganap ang pangyayari.

Nabatid na tinanggihan umano ng suspek na bayaran nito ang bill na halagang P300, dahilan upang sitahin ito ng may-ari. Sa halip na magba-yad, sinugod ito at hinipuan ng suspek, na labis na ikinagalit ng bar owner.

Kaugnay nito, agad na sinampahan ng kasong Direct Assult, Acts of Lasciviousness at Estafa ang suspek dahil sa inasal nito.

(TONY DELA PEÑA) 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.