May 20 kaso ng panghihipo Manyakis na lolo, tiklo

MAKALIPAS ANG mahigit sa isang taon na pagtatago sa batas sa 20 kaso ng panghihipo, nadakip na ang isang manyakis na lolo ng pinagsanib na puwersa ng CIS-CIDG sa Brgy. Bambang, Bulakan, Bulacan.

Sa ulat na tinanggap ni P/Chief Inspector Richard Caballero, kinilala ang nadakip na suspek na si Ernani Ergane, 62 anyos, ng Doña Juanita Subd., Pulo, Purok-6, Brgy, Bambang.

Base sa inisyal na imbestigasyon ni Sr. Insp. Rolando Culiao, dakong alas-5 ng hapon nang madakip ang suspek sa nabanggit na lugar sa bisa ang warrant of arrest na ipi-

nalabas ni Branch-18 RTC Judge Victoria Fernandez Bernardo.

Nabatid na matagal nang wanted sa batas ang suspek sa 20 kaso ng Acts of Lasiviousness o paglabag sa   Sec. 5 Article lll ng Republic  Act 7610.

(TONY DELA PEÑA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.