May ‘patama’ kasi ang kanta: isa sa showbiz couple, nag-walk-out sa kanilang duet!

NAUDLOT ANG DAPAT sana’y duet ng showbiz couple na ito nang kapwa sila magkapikunan, na ikinaresulta ng paggwo-walk out ng isa sa kanila.

Kilalang may boses kahit paano ang male partner although hindi naman sa larangan ng pagkanta siya nakilala’t sumikat, as opposed to his partner who has chosen to stay in the sidelines letting her husband shine in his chosen field.

But the couple cannot deny the fame na kapwa nilang tinatamasa,both here and abroad, most specially the male partner who — despite his major inclination towards a non-artistic discipline — is a showbiz icon that he has fiercely become.

Sa kanyang TV show naisip na pagsamahin silang mag-asawa in a duet. Pero habang ineensayo nila ang kanilang piyesa, pakiramdam nila pareho ay may “patama” ang mga awiting ‘yon na puwedeng sabihing angkop sa kanilang pagsasama.

Ang ending: nag-walk out ang isa sa kanila, taking the nearest exit at the studio. At napurnada tuloy ang inaasahan pa man ding ikare-rate ng program ng male partner.

(By Ronnie Carrasco III)

loading...

One thought on “May ‘patama’ kasi ang kanta: isa sa showbiz couple, nag-walk-out sa kanilang duet!

Leave a Reply

Your email address will not be published.