Maxine Medina, kinumpirmang break na sila ng actor-model BF na si Marx Topacio

Maxine Medina

KINUMPIRMA ni Maxine Medina na hiwalay na nga sila ng modelo niyang boyfriend na si Marx Topacio. Tumagal din ng 7 taon ang relasyon ng dalawa na muntik pa ngang mauwi sa kasalan.

Sa presscon ng Pinay Beauty (She’s No White) niya ginawa ang pag-amin.

“Yes, I’m single, pero focus muna ako sa career ko. I love this, eh, I love what I’m doing. Ayun nag-i-enjoy ako,” bulalas pa niya.

Eh, paano na ang plano nilang pagpapakasal?

“Yeah, napag-usapan namin, pero marami talagang instance na ano, eh…”

 “Well, lahat naman kasi… within one year ang daming nagbabago, and siyempre, siguro parang kailangan muna din namin ng space to love ourselves first para ma-appreciate namin yung isa’t isa,” rason niya.

Itinanggi niya na meron third party involved sa kanilang hiwalayan.

 “Wala. Wala naman,” sambit niya.

Sa kabila ng nangyari sa kanyang love life, hindi pa rin naman daw niya tatalikuran ang muling umibig at magmahal.

“Siyempre, open pa rin naman ako. Everyone needs love. Sa akin lang kasi, parang I just  really need to focus, saka alam ko na yung priorities ko.

“Tumatanda na tayo lahat, so alam naman natin kung saan tayo… kung anong dapat nating gawin,” katwiran pa niya.

Samantala, regarding her film Pinay Beauty na kasali sa Pista ng Pelikulang Pilipino this August, sobra raw siyang naka-relate sa pelikula being a brown-skinned person.

“Nakaka-relate din talaga ako dito sa movie. Siyempre, may gusto din akong iparating sa mga tao, lalo na sa mga Pilipina na gustong pumuti.

“Na parang it’s not a problem (kung morena), I mean, you can be your own beauty at hindi mo dapat ikahiya ang kulay mo,” pahayag ni Maxine.

Kasama sa cast ng Pinay Beauty sina Edgar Allan Guzman, Janus del Prado, Nico Antonio, Chai Fonacier at marami pang iba. Ang pelikula ay prinodyus ng Quantum Films under the direction of Jay Abello.

 

 

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.