Maximum Tolerance, Paiiralin Kontra SONA Protesters

NAGLATAG NA ng mga barbed-wire at barikada ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa bahagi ng Commonwealth Avenue sa Quezon City, bilang paghahanda sa State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ngayong araw.

Sinabi ni NCRPO chief C/Supt. Marcelo P. Garbo, Jr. na ito ay bahagi ng kanilang security measures sa harap nang inaasahang malawakang protesta ng mga militanteng grupo.

Nakahanda na rin sa bahagi ng IBP Road ang ilang container vans na gagamiting barikada sakaling magpupumilit ang mga raliyesta na makalapit sa Batasan Complex.

Una nang magpapatupad ang NCRPO ng traffic rerouting scheme sa Commonwealth Avenue umpisa alas-5:00 ng madaling-araw.

Ayon kay Garbo, nasa 100 percent na ang ginagawa nilang paghahanda.

Tiwala naman ang PNP na sapat ang kanilang puwersa maliban pa sa higit 1,400 ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na mangnguuna sa pagsaayos ng daloy ng trapiko.

Nanawagan din ang opisyal sa mga community leaders na makiisa at makipagtulungan sa isasagawang SONA ng Pangulong Aquino.

Una nang ibinasura ng Quezon City government ang hirit ng mga militanteng grupo na makapagsagawa ng rally malapit sa Batasan Complex.

Samantala, bagama’t mahigpit umanong paiiralin ng NCRPO ang “no-permit, no-rally” policy, pero tiniyak din ng mga kinauukulan ang “maximum tolerance” sa mga lalabag dito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.