Maximum Salary Loan sa SSS, Itinaas na

MAAARI NANG umutang ng hanggang P30,000 ang mga Social Security System (SSS) member. Ito ay matapos na itaas ng ahensiya ang maximum amount na maaaring utangin ng mga miyembro mula sa  dating P24,000.

Naging epektibo ang bagong lending guidelines noong Disyembre 1.

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Emilio de Quiros, Jr., bagama’t itinaas ang halaga ng maaaring utangin ng mga miyembro nito ay mananatiling mababa pa rin ang interest payment nito.

Aasahan din aniya ang mataas na net loan proceeds at ang mas mabilis na loan renewals ng SSS.

Sa ilalim ng bagong sa-lary loan guidelines, maaaring mag-file ng renewal ang mga miyembro kung nakapagbayad na sila ng kahit 50% ng principal amount sa loob ng isang taon ng kanilang two-year loan term.

Sa dating loan guidelines ng SSS, maaari lang makapag-renew ang mga miyembro kung ang outstanding balance nila ay P500 pababa.

Samantala, patuloy pa ring magbabase ang loanable amount sa 12 posted monthly salary credits ng mga miyembro nito.

“Members paying at the current P15,000 maximum MSC become entitled to the full amount of a two-month salary loan, which is now P30,000. As added flexibility, members can indicate how much they want to borrow as long as it is within their loanable amount,” dagdag pa ni de Quiros.

Kailangang mabayaran ang utang sa loob ng 24 na buwan kasama ang 10 porsyentong annual loan interest ng diminishing principal balance.

Hindi na rin umano ibabawas ang 10 porsyentong interes ng unang taon ng pangungutang. Ibig sabihin ay mas malaki na ang net loan proceeds ng mga miyembro.

Una nang ipinagpaliban ng SSS ang implemen-

tasyon ng bagong guidelines para sa pagpapatupad ng computerized loan system nito at para hindi maantala ang pagpo-proseso ng members’ application para sa loan penalty condonation program.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.