Maxene Magalona, kinalasan na ni JC Tiuseco!

Talaga palang hiwalay na sina Maxene Magalona at JC Tiuseco.

Hindi pala magkasundo ang dalawa at madalas mag-away. Selos ang sinasabing dahilan ng paghihiwalay nina Maxene at JC. Kasi naman, sobra palang selosa itong si Maxene. Kahit na sino ay pinagseselosan daw ng hitad. Maging ang mga kamag-anak ay hindi raw pinalalampas ng dalaga. Pati kasi sila ay damay sa selos ng dalaga.

Ayun, napuno na si JC kaya naman siya na ang nag-initiate ng break-up. Nabigla raw si Maxene sa desisyon ni JC pero wala naman itong magawa lalo pa’t decided na ang binata na makipagkalas sa dalaga.

Hindi raw naging maganda ang epekto ng split-up ng young couple sa kanilang trabaho. Nagpasabi na raw kasi si Maxene na hindi niya tatanggapin ang anumang proyekto na kasama si JC. Ayaw niyang makita ang binata at hindi raw makapagtatrabaho nang mahusay kapag naroon si JC.

Siyempre, ang GMA-7 naman, pinagbigyan ang munting kahilingan ng dalaga ni Pia Arroyo. Nagdesisyon daw ang management ng Siyete na huwag na lang pagsamahin ang dalawa at buwagin na lang ang nabuo nilang loveteam. Bibigyan na lang daw ng individual project ang dalawa.

Kaloka ang dating magdyowang ito. Pati trabaho nila naapektuhan sa kanilang split. Tsk, tsk, tsk!

Siyanga pala, never namang umaming mag-on ang dalawa kahit na halatang sila naman talaga. So hindi na namin ini-expect na they will admit na nag-break na sila.

Basta kapag nakita ninyong magkahiwalay na nga ng proyekto ang dalawa, ‘yun na ‘yon!

HUMANGA SI Direk Adolf Alix sa Brazilian model na si Fabio Ide.

Sa cast ng indie movie niyang D’ Survivors, nagalingan ang direktor sa ipinakitang acting ni Fabio na first time umarte sa pelikula.

“Si Fabio, sa pagbato ng comedy, ano siya, kuwela. Parang na-surprise nga ako. Okay siya,” tsika ni Direk Adolf.

Kasama ni Fabio sa movie ang kapwa Brazilian models na sina Akihiro Sato at Daniel Matsunaga. Ka-join din sa pelikula sina Rocky Salumbides, K Brosas, Evelyn Vargas, Lemuel Pelayo at Don Mendoza. The movie is all about male models na napadpad sa isang isla nang mag-crash ang kanilang sinasakyang eroplano.

Nakakatuwa itong si Fabio kasi walang keber kahit na sexy interview. Sinabi niyang he was devirginized at the age of 13 at isang kapwa Brazilian ang nakauna sa kanya na sabi niya ay virgin din. Kaedaran niya ang girl at nangyari ang lahat nang maglaro sila ng hide and seek sa isang beach sa lugar nila.

“It happened under the coconut tree,” tsika ng Brazilian hunk.

Hindi naman nahirapan si Fabio sa pag-arte kasi hindi naman nalalayo sa kanya ang role ng isang model. At nag-aaral siya ng Tagalog kaya naman nakakaintindi siya ng mga dayalog sa movie niya.

NAKAKALOKA NAMAN ANG tsikang isang kamag-anak daw ni Rayver ang naringgan na sinabihan ang actor-dancer na ligawan niya si Sarah Geronimo dahil mapera ito.

Wala naman yatang magsasabi ng ganoon sa binata and to think kamag-anak pa niya. Parang hindi kapani-paniwala.

Ayaw tuloy naming isiping may demolition job ngayon kay Rayver dahil na rin sa sobrang nai-in love na sa kanya si Sarah. ‘Di ba’t may tsismis ding gusto nang magrebelde ni Sarah dahil sa kahigpitan ng kanyang mga magulang?

Mabait na bata si Rayver at maganda ang pagpapalaki sa kanya ng kanyang madir. Cool na cool nga siya kahit na napapabalitang sasapakin daw siya ng ama ni Sarah kapag nakitang dinikitan ang kanyang anak.

Nakakaawa nga si Sarah. Hindi niya ma-enjoy ang kanyang kabataan dahil sa sobrang higpit ng kanyang parents. Pati nga raw pagkain ng ice cream ay bawal sa dalaga dahil baka masira ang kanyang boses.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articlePhoto Oops: Jusko Day!
Next articlePhoto Oops: Ungguy-ungguyan! (Vina Morales)

No posts to display