Maxene Magalona, galit na galit kay JC Tiuseco?!

“I’m sick and tired of the mere mention of your name”

Ang nasabing tweet message ni Maxene Magalona (na ngayo’y deleted na) ang naging hudyat ng pagtatanong ng press tungkol sa diumano’y break-up nila ni JC Tiuseco, na never namang umamin na sila.

May naging tweet message din ang dalaga ni Francis M. na hindi na raw sila magiging magka-loveteam ni JC. Napabalita rin na sila dapat ang magkasama sa bagong Sinenovela ng Siyete, pero sinabihan daw ni Maxene ang network na hindi niya tatanggapin ang project kung si JC pa rin ang kanyang kasama. Ganu’n?!

Kamakailan lang ay lumitaw na rin ang pangalan ni Pauleen Luna na diumano’y rason kung bakit nag-away at eventually ay nag-split sina JC at Maxene. Ano ba talaga ang totoong kuwento sa likod ng dramang ito? For the meantime, atin munang balikan ang ilan sa mga sweet moments ng dating magka-loveteam…. At mag-jowa.

Photos By Fernan Sucalit and Luz Candaba

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Maxene Magalona, galit na galit kay JC Tiuseco?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.