Maxene Magalona, ‘di itinatanggi si Renz Fernandez

HINDI NAGDI-DENY, hindi rin umaamin si Maxene Magalona kapag natatanong tungkol sa napapabalitang relasyon nila ni Renz Fernandez, bunsong anak nina Lorna Tolentino at yumaong actor na si Rudy Fernandez.

“Renz is very special to me,” sabi nga niya nang makausap namin recently. “And I just wanna keep some things to myself. Pero, what you see is what you get. ‘Yon lang.”

Balitang boto naman daw ang mommy niyang si Pia Magalona  kay Renz. Gayundin si LT na ina naman ng binata, very vocal sa pagsasabi na gusto nito si Maxene para sa anak.

“Matagal na kaming magkaibigan ni Renz. And hindi ko naman hinihingi na maging boto lahat ng tao, makuha ang lahat ng approval ng mga tao sa kung anuman ‘yan,” na namamagitan sa kanila ni Renz sa ngayon ang ibig niyang sabihin.

“Pero siyempre, gusto kong makita ng mga mahal namin sa buhay na masaya kami. And masaya ako. I think that’s the most important thing.

“You know, wala naman talagang right formula for love. As long as masaya kayo, iyon ang pinaka-importante. Basta sa amin ni Renz, what you see is what you get. ‘Yon lang. We’re happy with each other. He’s very very special to me.

“Kabisado naman ng lahat ang naging takbo ng lovelife ko. Na nanggaling ako sa aminadong-aminado ako na lovelife. Nanggaling din ako sa itinatago. Nanggaling na ako sa kung anu-ano man. Ngayon, I just really want to hope for the best. That’s all I want. And gusto ko na maging masaya at magpasaya rin ng tao. ‘Yon lang naman.”

Pati sa Twitter account ni Lorna, nababanggit nito madalas ang pagkagusto kay Maxene.

“Ah, sa mga tweets niya? Siyempre nakaka-touch, ‘di ba? Na si Tita Lorna, sees me like that. And napi-feel ko ‘yong love niya. So, nakaka-touch siyempre. Napanood ko rin nga ‘yong interview niya sa Startalk. And I texted her. Sabi ko, ‘thank you for the kind words’. Siyempre nakakataba ng puso. Na gano’n ang tingin niya sa akin. Eh, ang totoo niyan, kapag nakakasama ko siya, I’m nothing but just myself talaga. I’m really myself. And I can be myself around her. So, masaya.”

Madalas raw silang nagkikita at nagkakausap ngayon ni Lorna. Nauusisa rin ba nito kung ano na ba talaga ang real score sa kanila ni Renz?

“Hindi, kasi si Tita, we click also and we get along because she’s like my mom. My mom also is very open. The way she raises us, she’s strict and she disciplines us in a way na hindi kami nasasakal. At gano’n din nga si Tita Lorna. So, that’s why siguro kami nagkakasundo.

“And, uhm… when it comes to personal things, she don’t really ask. You know, gano’n naman talaga, eh. I mean, kung ako rin naman, if ever na magkaroon ako ng anak, ayoko naman na tinatanong na… ano na, ano na? Gano’n naman talaga dapat, eh. What you see is what you get. That’s all there is to it.

Nagkausap na rin daw sina LT at ang mommy niyang si Pia Magalona.

“Nag-dinner na kami lahat. Nagkataon kasi na… ‘yon, magkakasama. Tapos okey naman ‘yong schedule. We all had dinner. And it was fun.”

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Maxene Magalona, ‘di itinatanggi si Renz Fernandez

  1. yahoo! tinetest drive na ni putatsing na babaeng ito ang lalaking magpapatest drive! pumasa kaya! kapag hindi iyung isang kapatid naman itest drive nya o kaya baka tapos na! ang landi at ang laswa mo day!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.