Maxene Eigenmann, 3-buwang buntis?!

HINDI KO NAMAN gaanong kilala itong si Maxene Eigenmann na anak ni Mark Gil, pero siya kasi ngayon ang pinag-uusapan sa showbiz na tatlong buwang nagdadalang-tao na raw.

Nagsimula lang ito sa blind item, pero ngayon ay tinutukoy na si Maxene nga raw ito, pero tahimik lang itong baguhang aktres.

Ang nakakaloka pa, bale pangalawang pagbubuntis na raw ito ni Maxene dahil may anak na raw ito bago siya pumasok ng showbiz.

Naku! Ewan ko lang, ha? Kasi puro kuwento lang iyan ng mga bakla at ang iba ay kinukumpirma na dahil nakilala nila si Maxene.

Ang nakarating pang kuwento, sobrang disappointed daw ang mga kapatid niya at mga pinsan dahil ngayon pa lang naman nagsisimula sa showbiz si Maxene.

Tahimik lang itong aktres, kaya hintayin na lang natin ang sagot niya tungkol dito, kung totoo ba o hindi.

FINALLY, PUMIRMA NA rin si Sen. Bong Revilla sa GMA-7 at sa totoo lang, sa tagal niya bilang Kapuso talent, ngayon lang pumirma ng exclusive contract si Bong.

Hindi naman nila papayagang lumipat sa iba si Bong. Kasi nga, ang daming naglalabasang kuwentong kinukuha raw ito ng ABS-CBN 2 at pati ng TV5.

Sa totoo lang, talaga namang may offer kaya para hindi na mapunta sa iba, pinapirma na talaga ng GMA-7.

In fairness naman, hindi naman pinababayaan ng GMA-7 si Bong, kaya sa kanila naman ang loyalty ng alaga ko.

Pinayagan naman siyang gumawa ng pelikula sa Star Cinema, pero siyempre, sa GMA-7 lang siya may TV show.

Bukod sa Kap’s Amazing Stories, may binabalak daw na magandang programa ang GMA-7 para kay Bong.

Ang isa pang ikinatuwa ni Bong, bukod sa kanya, alaga rin nila si Lani Mercado na meron na ngang gagawin, ang Dwarfina.

Mabuti na ‘yung habang recess sila ngayon sa Kongreso, magti-taping muna si Lani para sa bagong fantaserye ng GMA-7.

Pati nga ang isang anak ni Bong na si Luigi ay alaga rin nila at sinabi mismo ni Ma’am Wilma Galvante na meron silang build-up contract para kay Luigi.

Siyempre, ang isa pang pinagkakaabalahan ngayon ni Bong ay ang pelikulang ginagawa niya ngayon sa GMA Films kasama ang Imus Productions at M-Zet Films na Si Agimat sa Mundo ni Enteng Kabisote.

Natutuwa si Bong kay Bossing Vic dahil kahit komedyante raw ito, may pagkaseryoso at napakagaan daw nitong katrabaho.

Puspusan ngayon ang shooting nila dahil matindi ang special effects nito. Pero excited si Bong sa pelikulang ito dahil talagang ginastusan nang husto lalo na ang special effects.

Ang isa pang aabangan n’yo ay ang special ng GMA-7 para sa 25th wedding anniversary nina Bong at Lani.

Sa April next year na ito, at balak na nga nilang magkaroon ng renewal of vows sa unang pinagkasalan nila sa Amerika.

Exclusive na ibibigay ang kuwentong ito sa GMA-7, kaya ngayon pa lang ay pinaghahandaan na nila.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

7 thoughts on “Maxene Eigenmann, 3-buwang buntis?!

  1. yap me anak na sya before entering showbiz, 5 year old boy.. foreigner ung kalive in nya, they have an apartment unit tabi mismo ng apartment unit na tinitirhan ni bing pimentel her mom at sid lucero! hindi naman niya tinago un, she always go out with the guy at ung anak niya.They are very down to earth family, si sid nakikijamming pa yan sa mga guard ng apartment nila.
    she got pregnant at the time she was in thailand doing modelling stints there! model din ung guy!

  2. yep may anak na si maxene 5-6yrs old na cguro yung panganay.di naman niya kinakahiya eh.di lang siya vocal.foreigner ang tatay nung bata at naglilive in naman na sila nung tatay.

  3. Not surprising at all.
    Itsura palang nya, pagdadala pa lang sa sarili nya, she’s more liberated than the rest of the Eigenmanns.
    Isama mo pa yun ate nya na nagpakita ng sushi sa pictures nya dati, at kumalat sa Internet.

Leave a Reply

Your email address will not be published.