Max Collins: Primetime Sweetheart to watch!

LAST YEAR, gumawa kami ng artikulo tungkol sa isang ‘Isabelle Abiera’ na dating teen star sa ABS-CBN. Kakalipat lang nito sa GMA-7 with a new name – Max Collins.

Aminin na natin: Marami ang may duda sa kakayahan ng magandang dalaga lalo na sa pag-arte. Nagkaroon ito ng short-lived hosting stint sa Wowowee ni Willie Revillame at lumabas sa ibang palabas bilang kontrabida. Panandalian nitong nilisan ang showbiz para makapag-isip at pumirma sa bagong management company. Bihira sa mga artista natin ang may successful comeback. Pinasok ni Max ang mundo ng Siyete with high hopes na tanggapin siya ng televiewers.

Sa panghapong serye na ‘The Good Daughter’ unang lumabas si Max Collins bilang isang ganap na Kapuso. Naging kontrabida siya sa tambalang Rocco Nacino at Kylie Padilla. Marahil ay napansin ng network executives na may ibubuga naman pala ito sa aktingan, in-elevate ito agad sa primetime slot sa pamamagitan ng Philippine remake ng Coffee Prince. Naka-tambal niya rito sina Aljur Abrenica at Benjamin Alvez. Siya rin ang primera kontrabida ng bidang si Kris Bernal. Sa programang ito dumami ang kanyang mga tagaha-nga. Palibhasa’y maganda at nag-uumapaw ang sex appeal, huh!

Isang blessing in disguise para kay Max Collins ang pag-ayaw ni Kylie Padilla sa ‘Pahiram ng Sandali’. Marami ang nanghinayang para sa dalaga ni Binoe dahil magandang proyekto ang primetime show na ito na kinatatampukan ng award-winning stars na sina Christopher de Leon, Lorna Tolentino at Dingdong Dantes.

Pagkaraan ng ilang deliberasyon, napunta kay Max Collins ang papel na Cindy, isang outgoing lady na nainlab sa kamandag ni Alex (Dingdong Dantes). Napapanood namin ang programa at in fairness, keri ni girl ang mga eksena niya with the big stars! Wala rin itong inhibitions sa sexy scenes with Dong. Tutal, pareho naman sila ng manager. Mainam din na walang intrigang bumabalot sa kanilang onscreen pairing.

Tuloy-tuloy pa rin ang kwento ng ‘Pahiram ng Sandali’. Katulad ng charm ni Max Collins, habang tumatagal ay lalong nagiging exciting ang mga eksena. Sa progress ng kanyang showbiz career, no doubt na nakahanap na ang Siyete ng isang leading lady na may ibubuga – with less intrigues and drama.

 

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

One thought on “Max Collins: Primetime Sweetheart to watch!

Leave a Reply

Your email address will not be published.