Max Collins, Bela Padilla at Sophie Albert, recycled beauties!

OLA CHIKKA now na! More chikka, more fun na naman tayo. Hindi na naman matapus-tapos ang mga prediction ngayon. Kaya ‘eto, may mga chikka na namang ganito.

Nakakaloka itong mga artistang nagpapabata ng edad, as if naman, ‘di natin malalaman. Naku, ang mase-say ko lang, usong-uso talaga ‘yan sa showbiz industry, ‘te! Kaya hindi ko sila kinakaya.

Well, ganu’n nga ang aking nararamdaman sometimes, until I finally figured that three upstarts were really a part of star build-up scheme of ABS-CBN aptly tagged Star Magic Batch 15.

Kaya naman pala ‘yong girl sa Pahiram ng Sandali seemed so familiar eh, siya pala ang dating Isabelle Abiera, na ngayon ay kilala na bilang si Max Collins. Ang pamangkin naman ni Robin Padilla na si Bela Padilla ay formerly Krista Valle, at si Sophie Albert naman na grand winner ng Artista Academy ng TV5 ay si Bianca Reyes pala noong 2007.

May dalawa pa silang kasabay noon na ngayon ay lost in space na. At ang nag-iisang naiwan sa Star Magic ngayon ay si Jessy Mendiola na lang.

Yes, 2007 is such a long time ago but then kailangan talagang magsalpukan ang tamang panahon, singaw ng tadhana at kindat ni Lady Luck para magkaroon ng katuparan ang mga tinatawag na pipe dreams!

Ano’ng say mo, ‘te? 2007 pa ‘yun, ano na ngayon? Nakakaloka, eh pa-teen pa rin yata ang peg na mga ito. Dapat sa mga artista ngayon, magpakatotoo. Kung natatandaan n’yo, iyan ang pinag-awayan namin dati ni Keanna Reeves na nagpapabata ang hitad, pero ang itsura mukhang thunders na super retokada.

‘Di ba, nakakaloka? Hahaha!

 

PITIK-BULAG: Sino itong guwapong actor na nag-spend ng kanyang New Year sa Baguio at sa isang first class na hotel nag-check-in?

Kaloka, as in, mabubuwang ka sa Earth! Kasi ito lang ang pinagmamasdan ng mga roomboy. Kasi walang kasama sa kuwarto. Pero nu’ng malapit na ang pagsapit ng 2013, ayun, may isinama sa kuwarto na isang bagets na guwapito at hindi naman artista. Mukhang service na nadampot sa Burnham Park.

Ayun, doon din sila nagpaputok. Alam n’yo na ‘yun kung ano ang pinaputok.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

6 thoughts on “Max Collins, Bela Padilla at Sophie Albert, recycled beauties!

  1. Si gerald Anderson lang ang young actor na nagbakasyon nung holidays sa baguio,, hindi sya jokla tulad moh swardingers! Epalis ka! Imbentorang kabayotika to!

  2. YAHAHAH MGA KINAHON YAN NG STAR MAGIC, KAYA NUNG MAKAWALA AY SA IBANG NETWORK NAGKA PANGALAN, MERON PANG ISA DIYAN, SI VALEEN MONTENEGRO, STAR MAGIC BATCH 13 YATA, MAS NAKILALA SIYA NG NASA T.V.5 NA SIYA, WAHAHAHA

      • dating star magic yun, yung tisay, na maganda, apo ng dating actor na si Mario Montenegro, nasa T.V.5 siya, kasama ni Mr Fu, hik hik hirap  kasi sa iyo eh, puro ka Kapamilya, steady yata palagi yang remote mo, sa channel 2, ay pareho pala tayo, yung channel 2 dito sa lugar namin. walang signal, malabong malabo, malinaw dito , 7,5 4 at 13, kaya hindi ko kilala mga talents ng channel 2,   

Leave a Reply

Your email address will not be published.