Max Collins, ayaw tularan si Megan Young

MAGPINSAN SINA Max Collins at Megan Young na as we all know ay kapapanalo lang sa Miss World Philippines 2013 at pareho rin silang Fil-Am.

“I’m happy for her kasi pangarap niya talaga ‘yun. It’s always been her dream ang I’m proud of her. Napanood ko siya and ang ganda niya. Sana manalo siya sa Miss World,” say ni Max na pang-beauty queen din ang ganda at karisma.

Noon daw ay marami na rin ang humimok sa kanya na sumali sa mga beauty contest, pero tinanggihan dahil madali raw siyang ma-stress, not like her second cousin na si Megan.

“Gusto ko talagang mag-focus sa acting. Baka kapag sumali ako sa contest ay mag-iba ‘yung career path ko. I love acting. That’s really my passion. Mas gusto ko po ang acting. I’m here already, I mean, I’m doing what I want already, so dito na lang po ako,” say ni Max na mas seksi at gumanda ngayon.

Kaya nga raw nang alukin siya ni Direk Maryo J. delos Reyes  na mapasama sa indie film na Bamboo Flowers ay kaagad siyang pumayag.

Wala ring naging problema kay Max na kadalasan nang gumagawa ng indie film ay hindi kasinglaki ng talent fee na natatanggap ng isang artista na gumagawa ng isang mainstream movie.

Kahit libre raw ay tatanggapin niya lalo’t isang magaling na director ang magdidirek at maganda ang istorya ng pelikula.

Samantalang itinanggi ni Max ang balitang may magandang namamagitan daw sa kanila ngayon ni Benjamin Alves. Nag-date daw sila pero ‘di natuloy sa isang relasyon.

“Hindi po naging kami,” aniya.

 

Christopher Roxas, under de saya kay Gladys Reyes?!

 

NATAWA LANG at hindi naman napikon si Gladys Reyes sa pagiging totoo ng kanyang husband na si Christopher Roxas nang tanungin ito kung ano ang sikreto ng kanilang matagal nang pagsasama bilang mag-asawa.

Uso kasi ngayon sa mag-asawa ang nagdedemandahan pagkatapos ng ilan taong pagsasama tulad ng nangyari sa mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto at Sunshine Cruz at Cesar Montano.

Marami kasi ang humanga sa kanila na eleven years naging mag-boyfriend at girlfriend. Ngayon bilang mag-asawa ay nine years na silang nagsasama.

“Kung susumahin ay twenty years na kami ng mister ko. He was my very first boyfriend at siya na nga ang naging mister ko at ama ng tatlong anak namin,” say ni Gladys.

Nalulungkot si Gladys sa nangyayaring hiwalayan ngayon sa showbiz at ang masama pa raw ay nalalaman ng madlang people.

“Mas naaawa ako sa mga anak nila kasi nga hindi maganda na naghiwalay ang parents nila, tapos may demandahan pa. Sobrang sakit na ‘yon.

“Kami naman ni Christopher, we always pray para sa pagsasama namin. Kapag may hindi napagkasunduan, inaayos namin agad. Matutulog kami na walang problema at samaan ng loob,” say pa ni Gladys.

Dahil sa pagiging honest ni Christopher, naikuwento nito na si Gladys ang nasusunod pagdating sa gastusin sa bahay at nasanay na rin daw siya sa pagiging mabunganga ng misis. Pero super proud siya sa pagiging maasikaso ni Gladys kahit na super busy nito.

Magkasama ngayon ang mag-asawang Gladys at Christopher sa Pyra, Babaeng Apoy, bagong afternoon TV series sa GMA-7 na pinagbibidahan ng Protégé winner na sina Thea Tolentino at Jeric Gonzales.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

2 thoughts on “Max Collins, ayaw tularan si Megan Young

Leave a Reply

Your email address will not be published.