Max Collins at Benjamin Alves, nagkaroon ng short-lived affair?!

MAY TSISMIS na nagkaroon ng short-lived affair sina Max Collins at Benjamin Alves. At ito ay nangyari diumano nang magkasama sila sa Coffee Prince na muling pinagtambalan nina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

“Naghiwalay? Wala namang gano’n!” nagtatakang reaksiyon ni Max. “Hindi po kami naghiwalay. Kasi hindi po naging kami. Never naging kami. Siguro ang short-lived ay ‘yong friendhip namin. ‘Yong closeness. ‘Yong dating namin. Hanggang dating lang kami. But never naging kami.”

Bakit naputol o naudlot ang closeness nila at pagdi-date?

“Iyon ang hindi ko alam. Naging busy po ako sa trabaho. And I decided to focus on my work. Eh, siya naman, he has his own priorities as well. So, hindi nagkatugma ‘yong landas namin. Actually, we both realized that we didn’t get along. As much as we thought we did. Na parang… noong una, ang akala talaga namin na magkasundo kami. Tapos no’ng tumagal, na-realize naming we really don’t have much in common. So, hindi kami bagay sa isa’t isa,” bahagyang natawang sabi pa ni Max.

“Siguro dahil sa mga roles namin sa Coffee Prince dati kaya kami nadala. And when the show ended, that’s what ended our friendship,” dagdag pa ni Max.

Gaya ng uncle ni Benjamin na si Piolo Pascual, iniintriga rin ang gender nito. Kaya may mga nag-iisip kung baka na-turn off si Max dahil dito.

“No. I wouldn’t say that. I wouldn’t say that. Especially after the show. Hindi na po kami nagkita. Hindi na po kami nagkausap after that. So, our relationship… our friendship ended with the show.”

Last Friday, March 15, natapos na ang Pahiram Ng Sandali kung saan kasama ni Max sa cast sina Dingdong Dantes, Lorna Tolentino, Christopher de Leon, Alessandra de Rossi, at Neil Ryan Sese. At meron daw siyang natutunan sa kakaibang istorya nito.

“Save your every moment. Because you’ll never know when it would be the last. And it’s sad na nag-end na ito. Because napakahalaga ng proyektong ito para sa akin.

“Working with Dingdong? Amazing! He’s such a joy to work with. And I’ve learned so much from him. So, mami-miss ko siya.”

Working with LT?

“Mami-miss ko siya. Mommy ko siya. I’ll miss her like being a mother to me. Parang nasanay ako sa kanya. And I would always ask her advice for everything. I’ll treasure all the memories that I’ve had with her. I’ll also miss her giving me tips on everything. And educating me more about life.”

What’s her next project after Pahiram Ng Sandali?

“An indie film po with Direk Maryo J. delos Reyes. Makakasama ko rito sina Neil Ryan Sese and Diva Montelaba. In the making pa po ang script nito. This is for Sineng Pambansa. I think it’s dramatic. It has to be dramatic for the competition.”

She’s one of the prettiest faces ngayon sa showbiz. Marami bang nanliligaw sa kanya ngayong nahinto na ang pagdi-date nila ni Benjamin?

“Ay… no! Wala po akong oras. May mga nagpaparamdam. Pero hanggang do’n lang po sila!” sabay tawa niya.

Mas gusto na ba niyang boyfriend ang isang private individual kesa artista rin na gaya niya?

“Sa ngayon po, iniiwasan ko lang ‘yon. Dahil mas gusto ko nga pong mag-focus sa work. Ayo-kong may makagulo sa trabaho ko!” panghuling nasabi ni Max.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

2 thoughts on “Max Collins at Benjamin Alves, nagkaroon ng short-lived affair?!

  1. PAKI KO NAMAN KUNG NAGKAROON SILA NG AFFAIR OR WHATEVER NOH HAHAHA! KAHIT MAGKANGKANGAN PA SILA SA HARAPAN KO WALA AKONG CARE HAHAHAHAHAHA!

Leave a Reply

Your email address will not be published.