Maureen Larrazabal: Negosyanteng Bombshell!

Kung inaakala ninyo na ang mga boylets lang ang may-‘K’ magbuhat ng mga barbell at kung anu-ano pang mabibigat na bagay, nagkakamali kayo!

Ang sexy Bubble Gang mainstay na si Maureen Larrazabal ang isa sa mga artista nating mahilig mag-gym at magpaka-healthy. Sa katunayan nga, kabubukas lang ni Mau ng kanyang sariling gym – ang CURVES GYM na matatagpuan sa kanto ng Dos Castillas at Dimasalang Sts., Dangwa, sa 4th floor ng building. Pag-aari ng pamilya ng kanyang business partner na si Edmund Ente ang building.

Kumpleto sa mga exercise machines at body building equipments ang Curves Gym. Sabi nga, wala ka nang hahanapin pa, dahil sulit na sulit ang membership fee nitong P600 a month, at 50 pesos per day lang ang gym session.

Maliban sa bagong negosyo, kasali rin ang bombshell na negosyante sa Pilyang Kerubin, kung saan isa siya sa mga kontrabida na gumaganap sa papel ng demonyitang si Azura.

By Mica Rodriguez

Photos by Luz Candaba

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

Previous articleAngelica Panganiban, hindi napigilang ilabas ang pagka-Rubi!
Next articleYoung JV: Artist with a Mission!

No posts to display