Maui Taylor, natameme sa bagong all-female group!

PINAG-RESIGN DAW SA radio program niya sa DZMM si Amy Perez nang pumirma siya ng kontrata sa TV5?

“Hindi, nagpaalam ako nang maayos sa kanila,” agad na sagot ng host ng Face To Face, ang bagong TV show ni Amy sa Kapatid network na napapanood from Monday to Friday, alas-onse ng umaga. “Naiintindihan naman nila, wala naman kaming naging problema,” aniya.

Kailangan ding iwanan ni Amy ang TV show na Kabuhayang Swak na Swak sa ABS-CBN para makapag-concentrate sa trabaho niya sa kanyang bagong tahanan. May niluluto na rin daw na isa pang TV show para sa kanya ang TV5.

Pero aminado rin si Amy na isa ‘yon sa pinakamahirap niyang desisyon na ginawa sa kanyang career. “Mahirap kasing iwanan ‘yung trabahong mahal mo. Iba kasi ‘yung enjoyment ko sa radyo, pero gusto ko rin namang maging praktikal. Hindi naman gano’n kalaki ang kita sa radyo, barya-barya lang. May pamilya tayong binubuhay, kaya I grabbed this opportunity,” paliwanag pa niya sa ginanap na trade launch ng TV5 last March 25.

Kuwento ni Amy sa bago niyang show, “Nagte-tape kami ng five episodes every taping. Imadyinin mo na ang format namin, e ‘yung ireresolba ‘yung conflict ng dalawang kampo. Talagang nagkakainitan. Pero hindi pa naman kami dumating sa puntong may nagkasakitan na. May mga nagbabati, pero meron talaga na ayaw makipagbati,” kuwento ng bagong ‘Kapatid’ sa TV5. At sa isang episode nga ng show, hindi na raw napigilan ang mga participants na magsabunutan.

Nang matanong naman ang kanyang lovelife, agad na sagot ni Amy, “Ay, masayang-masaya. Walang kaproble-problema!”

Mapapanood ang Face To Face, Monday to Friday, tuwing alas-onse nang umaga.

NAIMBIYERNA SI MAUI Taylor sa bagong all-female group na Posh Girls nang mag-guest ang mga ito sa taping ng Cignal TV show nila na Stop, Talk and Listen kamakailan. Sa interview mismo ng mga hosts na kasama ng sexy actress na sina Mr. Fu at Dolly Anne Carvajal, naitanong sa grupo kung may offer na mag-pose ang grupo sa isang men’s magazine, tatanggapin ba nila ito?

Agad na sagot ng isa, “Hindi, may talent naman kami!” Medyo na-offend si Maui dahil, as everybody knows, there was a time na naging paborito siyang model sa mga sexy magazines. Naging miyembro rin siya ng Viva Hotbabes.

After ng segment, nagkulong na raw si Maui sa dressing room at hindi na humarap pa sa Posh Girls. Nang makakuwentuhan namin ang sexy actress, sabi na lang nito, “Hihintayin ko na lang na mag-pose sila sa men’s magazine. Tingnan na lang natin. Hindi naman lahat nang nagpo-pose sa men’s magazine, walang talent, ‘no!”

BLIND ITEM: NA-PACK up ang taping ng isang TV show dahil inatake na naman daw ng ‘attitude’ ang sikat na aktres. Hindi raw talaga sinipot ng hitad ang taping kesehodang kumpleto ang cast at crew nito that day. At ang rason ng sikat na aktres, masama raw ang pakiramdam.

“Well, what else is new?!” Mataray na sey na lang ng isa sa staff ng TV show. “Sana nga totoo na nilalagnat siya, ‘no! At hindi nakikipag-jamming sa syota niyang bad influence na talaga sa kanya! Kaya madalang ang offer sa kanya dahil sa ugali niyang ‘yan. Hayan na naman at nag-uumpisa na naman siya. ‘Buti nga pinagtiwalaan pa siyang bigyan ng magandang TV project!”

Bore Me
by Erik Borromeo

12 thoughts on “Maui Taylor, natameme sa bagong all-female group!

  1. Nabasa nyo na ba ang pinakabagong balita ngayon naPsychiatric record ni Noynoy galing sa Ateneo? Hanapin nyo sa internet basta i type nyo lang sa search ang “Noynoy sira ulo” tapos mamili nalang kayo ng websites.

    Noynoy Aquino sira ulo pala. Mabuti nalang nalaman natin agad kundi baka magkaroon tayo ng presidente na may tupak. Napakadami yata ng problema ng presidente paano kaya ito haharapin ni Noynoy baka matuluyan na syang dalhin sa mental hospital

    Sino kaya ang angkan ng mga abnoy (may tupak) Aquino o Cojuangco. Namana lahat ni Kris at Noynoy

  2. sikat daw sikat ba c jackie rice? ewan q lng pro ang guess ko cguro c Kristine Hermosa pro ndi nman cguro bad influence si Oyo Boy Sotto…

    or c Lovi Poe sikat sya dba?

  3. sunshine dizon..pasaway talaga may sakit na naman ang drama..buti nga pinagbigyan na ulit sya..

  4. sino pa di c Angel. sinisiraan na naman… hayz walang magawaaaaaaaaa sa buhayyyyyyyyyyyy