Maui Taylor, bagong anghel ni Willie Revillame!

Sa Oktubre na umano sasalang ang bagong noontime show ni Willie Revillame. Ito ang nakarating sa atin, ayon na rin sa mga usap-usapan sa apat na sulok ng ka-showbizan. Hands-on nga raw si Willie sa pagpili ng kanyang co-hosts at sa pagko-conceptualize ng mga segments ng show.

Napag-uusapan din na isa ang dating Viva Hot Babe na si Maui Taylor sa ikinukunsiderang co-host sa show na ipalalabas umano sa TV5. Bakit daw hindi? May K rin naman si Maui, considering na hindi lang basta hosting ang kaya nitong gawin. Magaling ding mag-sing and dance ang hot babe na ito, ‘di ba?

Idagdag pa rito na partner ni Willie sa pag-produce ng show ang Viva Entertainment ni Boss Vic del Rosario. Usap-usapan pa nga, walang tigil daw sa kanilang brainstorming sina Papi at Boss Vic para makalikha ng mga bagong konsepto at ng isang magandang show.

Kaya naman ngayon pa lang daw, sabi pa sa mga umpukan ng mga makakating-dila, balik na ulit sa pagbubunyi ang loyalista ni Willie.

Naku naman… hindi pa man umaarangkada ang show ang ipinalit sa iniwan ni Papi, heto’t may bago nang threat! Yay!

loading...

4 thoughts on “Maui Taylor, bagong anghel ni Willie Revillame!

  1. pagsawaan rin iyon ni Willie kagaya nang lahat nang naging hosts niya sa Wowowee at sa pagsawa niya sa lahat na naging mga asawa niya, promise!!!

    • Maraming manonood nyang show nya dahil yung kamag-anak nya at kamag-anak lang ni cristy “bungal” fermin ang manonood. Bwaaaaaaaah!

Leave a Reply

Your email address will not be published.