MATUTUPAD NA ANG TAMBALANG COCO MARTIN AT VIC SOTTO!

Vic Sotto and Coco Martin

DREAM come true para sa aktor na si Coco Martin na kung walang aberya ang pagsasama nila sa pelikula ni Bossing Vic Sotto para sa Metro Manila Film Festival 2018.

Nag-usap na sina Coco at Bossing Vic tungkol sa project na pagsasamahan nila.

Sa isang panayam sa actor kamakailan ay nasabi niya na excited siya sa gagawin nila ng komedyante. “Sobra, kasi matagal ko nang pangarap na magkatrabaho kami ni Bossing. Pinalad naman na pinagbigyan niya ako, sana magdire-diretso.”

Aminado si Coco na idol niya si Bossing Vic noong kabataan niya.” Syempre, Tito, Vic and Joey yan. Lahat naman tayo talaga idolo sila lalong-lalo na pagdating sa komedya.

“Isang malaking karangalan na makatrabaho ko si Bossing,” pagmamalaki pa ng aktor.

Kinalakhan ni Coco ang komedyante noong bata pa siya kasama ang dalawa na sina Joey de Leon at Tito Sotto na TVJ (Tito, Vic and Joey) troika nila.

Yes, si Bossing Vic naman ngayon ang makakasama ng ‘Ang Probinsyano’ matapos magtambal sila ni Vice Ganda 2 years ago for the same film festival.          

Coco Martin

Ngayon pa lang ay niluluto na ang project na Coco-Vic dahil ayon sa patakaran ng MMFF, kapag nag-submit ng entry ng mga nagnanais na mapasama sa December filmfest, dapat buo na ang pelikula. In short, na-ishoot na, nag-dubbing na, na-edit na at in the can at reading ready for screening na unlike in the past years ay synopsis pa lang at line-up ng cast (na ang iba ay hindi pa final) ay okey na at pasok na sa listahan.

Sa tambalang Coco-Vic for the 2018 MMFF, not a bad idea.

Ang tanong ng mga intrigero’t intrigera, paano ang magiging billingnngn dalawa?

Si Coconba or Bossing Vic ang mauuna sa credits?

Will it be Coco Martin and Vic Sotto or Vic Sotto and Coco Martin? Any suggestions?

Reyted K
By RK Villacorta

Related Post

loading...

One thought on “MATUTUPAD NA ANG TAMBALANG COCO MARTIN AT VIC SOTTO!

  1. Ang distant second & third placer sa MMFF 2017 magsasanib pwersa. Fearless forecast: magiging distant second placer kayo sa MMFF 2018. Pahulaan na lang kung sino at ano ang magiging distant third placer. Pak!

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.