Matutulad lang daw sa past BFs
Heart Evangelista, paiiyakin din si Sen. Chiz Escudero?!

OLA CHIKKA now na! Ay, ambot! May gusto lang akong iparating sa pag-iibigan at pag-amin nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista. Ayaw ko sanang mag-comment, kasi idol ko ‘yan eversince. Kaya lang, hindi ko mapigilan ang aking emotion.

Look, parang hindi ako sumasang-ayon sa kanila. Una, ipinakilala lang ito ni Sen. Miriam Defensor-Santiago kay Chiz, at panga-lawa, tukso-tukso lang ito ni Kris Aquino sa kanilang talk show. Pangatlo, biglang umamin na si Sen. Chiz na sila na nga, at kinabukasan nag-file na ito ng COC bi-lang re-electionist sa pagka-senador.

Nahihiwagaan lang ako, parang may gamitan something to that effect. Kasi nga naman, tingnan natin ang mga naging karelasyon ni Heart bago si Chiz, na lahat halos ng mga ito ay iniyakan ang kanilang paghihiwalay. Una, si Jonh Prats, pangalawa si Jericho Rosales, at ang huling umiyak ay itong si Daniel Matsunaga. And to think, pare-parehong mga bata at artista at wala pang sabit. Si Sen. Chiz, may asawa at hiwalay at may kambal na anak na ang unang asawa niya ay isang mananayaw.

Nakakaloka, kasi dati si Kris ang tinutukso kay Chiz. Ngayon, parang fake ang kanilang pag-iibigan, kasi nga naman maraming nagulat sa kanila na sila na nga. May nagbulong nga sa akin na ito ang magiging nega sa kampanya ni Chiz, dahil hindi sila bagay. Wala ba raw talagang taste si Chiz pagdating sa pagpili ng babae? O ga-gamitin lang si Heart sa pangangampanya? After all, goodbye ang see you no more.

Well, ‘yan ay kuru-kuro lang naman. Kasi nga, ang dahilan nito ay ang pagpapakilala ni Sen. Miriam kay Sen. Chiz. May nagparating pa nga na mas bagay si Sen. Miriam at Sen. Chiz kasi parehas silang senador. Kaloka talaga! Kung anu-ano na lang ang lumalabas na mga tsika sa dalawang ito. Kasi nga naman, may pumapabor, may sumasalu-ngat.

Ako, isa lang ang masasabi ko. Hindi naman kayo ang makikisama kung halimbawang magkatuluyan sila ni Heart. Sila naman ang magsasama, hayaan na lang natin sila kung hanggang saan ang kanilang pag-iibigan. Kung tunay na pag-ibig ‘yan, mapapatunayan naman natin ‘yan ‘pag natapos ang eleksyon na sila pa rin.

Kasi nga naman, nauuso ang gamitan hindi lang sa showbiz kundi maging sa pulitika. ‘Di ba, nangyari na ito nu’ng mga nakaraang halalan na may naggamitan din at nauwi sa kasalan na ang buong akala nu’ng lalaki ay malaki ang maitutulong ng babae sa kampanya. Ayon, sawing-palad, talo. Balita nga, hiwalay na sila. Kasi si babae ay hindi na magkaanak, at si lalaki patuloy pa rin sa pamumulitika. Hindi siya ngayon kumakandidato kasi gusto niya sa mas mataas pa na posisyon.

Kaya nga kung ako si Sen. Chiz, dapat isipin niya nang mabuti kung ito ay makakatulong sa kanya o makakasira lang sa maganda niyang adhikain sa bayan. Baka matulad din siya sa sinasabi ko. Ok, maganda nga si Heart, pero pagdating sa pag-ibig, kung sinu-sino na ang pinaiyak niyang lalaki. Sa palagay n’yo, mapapaiyak din kaya si Sen. Chiz? ‘Yan ang tanong ng bayan.

BLIND ITEM: Speaking of pagsasama ng almost 22 years. Maniwala kayo na sa iisang kuwarto natutulog ang magkaibigan na ito ay walang nangyayari sa kanila?

Kasi nirerespeto raw niya ang girlus, ayon sa kanyang friend. Talent lang daw siya, at master daw niya, at marami raw siyang natutuhan, great person at napaka-importante raw sa kanyang buhay. Kaya ayaw raw niyang mapahiya. Kasi nag-produce yata ng album ang girlalu sa kanya, kaya ginawa raw niya ang best niya para ‘wag siyang mapahiya.

Kaloka, as in. Kasi may asawa at anak itong si lalaki. Hiniwalayan daw niya kasi binabastos niya ang kanyang master. Pero kaya sila nangibang-bansa, kasi ang isa sa anak ng girl ay muntik nang magahasa ng kanyang friend. ‘Yan ba ang master?

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

5 thoughts on “Matutulad lang daw sa past BFs
Heart Evangelista, paiiyakin din si Sen. Chiz Escudero?!

  1. sana matauhan ang mga pilipinong boboto sa darating na eleksyon, hindi sana nila iboto itong showbiz na escudero, sayang, magaling pa naman pero parang peke na sya. nakakabawas sa isang tao sa kanyang personalidad ung pagiging peke nya. expect mo na amoy lupang escudero, nabawasan ka na ng isang boboto sayo (as if naman big deal sa kanya hahaha). ambisyosa naman kasi si escudero, ikaw? seseryosohin ni heart? tignan mo naman mga naging bf ni heart! mga hunks at bata! knowing heart, gamitan issues lang kayo.

    • well di naman master rapper si JM..si andrew ang master rapper at si KIKO ang king of rap…. B.I NORA AUNOR at TITA SWARDING..YONG ANAK nA MUNTIK NI RAPE NI SWARDING SI IAN DE LEON…WAHAHAHA

Leave a Reply

Your email address will not be published.