Matteo Guidicelli wants to focus in showbiz and to forget kart racing

 

WHAT THE WORLD of kart racing has lost, showbiz has gained. Ito ang puwedeng sabihin ngayon after Matteo Guidicelli declared that he has no plans of going back to racing kung saan una siyang nakilala.

In an interview with Showbiz News Ngayon (SNN), sinabi ni Matteo that his mother did not allow him to go back to racing matapos siyang maaksidente rito. “My mom wanted me to stop kasi iyong last race ko nagka-aksidente ako. As of now, wala akong balak to go back to racing.”

Matteo started his love affair with the fast lanes when he was only 11 years old. Lumuwas siya ng Maynila when he was 14 to pursue his racing career. He was not just a pretty boy in kart racing dahil pinatunayan niya na kaya niyang makipagsabayan sa ibang taong mahilig din sa ganitong klase ng sport. In fact, he earned several awards inclu-ding  the 2002 Philippine Cadet 85 Class; 2003 Asian Championships, ICA Jr.; 2004 Philippine Open Class; 2004 Philippine Rotax Max Jr.; 2005 ICA Superkart Series Championship; and 2006 Philippine 125 Open.

Matteo is now changing lanes but he is still on the fast tracks to stardom. Ngayon ay sa mundo naman ng showbiz niya gustong makipagkarera. Matteo is now one of the most in-demand product endorsers and a member of ABS-CBN’s Star Magic. He received the Most Promising Male Star of the Year in the 42nd Box-Office Entertainment Awards of the Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc. (GMMSFI).

Matteo continues to learn the ropes of showbiz at nasusuklian naman ang kanyang pagsisikap dahil napapansin ng publiko ang kanyang husay sa pag-arte at pagho-host. Aside from the movie Catch Me I’m In Love, he has appeared in several television shows like Go Kada Go, Ligaw na Bulaklak, and Agua Bendita. He is one of the hosts of Happy Yipee Yehey at malapit nang ipalabas ang teleseryeng My Binondo Girl starring Kim Chiu and Ai-Ai delas Alas at ang pelikulang Basted.

Maganda man ang takbo ng kanyang showbiz career ngayon ay may isa pang pa-ngarap si Matteo na gusto niyang matupad. He wants to return to school and finish his course at Columbia College in Chicago. “I went to college. I studied in Columbia College in Chicago. It’s a performing arts school in Chicago. It’s a 4-year course to get a BA but natapos ko lang ang two years kasi na-homesick ako. Pero next year I’m going to go back to school. I’m going to finish my course,” determinadong pahayag ni Matteo.

Tama si Matteo. Alam niya ang kahalagahan ng edukasyon at hindi imposibleng matupad ito sa mga taong nangangarap katulad niya. At gaya ng lagi kong sinasabi ay hindi masama ang mangarap pero kailangan nating lakipan ang bawat pangarap ng pagsisikap, sakripisyo at walang patid na dasal sa Diyos para hindi ito manatiling isang pangarap lang.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

5 thoughts on “Matteo Guidicelli wants to focus in showbiz and to forget kart racing

  1. TAMA !!!!! mag concentrate ka na lang sa pag mamasturbate mo.. kasi ala kang future sa showbizzzzzzz.. baduy ka umarte at wala kang KKKKKK

  2. At least may pangarap siya na makatapos nang pagaaral. May mga matatanda diyan na puro kapalpakan ang nasa isip.. Gaya ni Robin Padilla na hindi nagiisip. Mayroon daw siyang kilala sa Vatican na tutulungan siyang kumbinsihin ang Papa na payagan silang ikasal ni Mariel sa simbahang katoliko. Ano ito, palakasan ? Boy Abunda, pangaralan mo nga ang asawa ng alaga mo. May topak na. Siguro, si Royette na lang ang ipagdasal niya dahil mayroon pan g nakabitin na homicide case sa kapatid niya.

  3. tama..nakakadisappoint naman talaga ‘tong si mateo…hindi na lang kasi magconcentrate sa kart racing..gusto pa talaga magshowbiz,,wala namang talent

  4. KAHIT MAG CONCENTRATE KA NG HUSTO SA SHOWBIZ HINDI KA SISIKAT NG HUSTO MATEO KAYA MAG CONCENTRATE KA NA LANG SA PAG AARAL MO BAKA SA BANDANG HULI PAKAININ KA PA NG NANAY MO.MGA KATULAD NINYO COME AND GO.KOKONTI LANG ANG NAGIGING PIOLO,SAM,JOHN O COCO.KAILANGAN DIN NINYO NG TALENT.NOH!

Leave a Reply

Your email address will not be published.