Matteo Guidicelli, pinasakay lang si Jessy Mendiola?!

HALATANG “NAG-WALKOUT” si Jessy Mendiola habang magkatabi silang iniinterbyu ni Matteo Guidicelli ng mga press.
Parang napikon yata si Jessy nang hindi talaga sinabi ni Matteo kumbakit biglang “nagkalamigan” sila ni Jessy matapos ang kanilang teleseryeng Paraiso.
Ayon sa aming source, “Pinasakay lang kasi ni Matteo si Jessy para umingay ang teleserye.
“At ang alam ko, nag-i love you na sila sa isa’t isa on cam. Pero biglang ni ha ni ho hindi na nagparamdam si Matteo.
“Tapos na kasi ang serye, kaya tapos na rin ang palabas niyang super love niya si Jessy!”
Gano’n? True ba ‘to, Matteo?

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

15 thoughts on “Matteo Guidicelli, pinasakay lang si Jessy Mendiola?!

  1. Mga matteo fans na less than 10 ang sisipag gumawa ng basher account para lang palabasin daming galit kay jessy, masama ang addict sa artista pati mga hindi nyo naman kilala in real life sinisiraan niyo!

  2. Sus mga fans ni matteo nagkakalat na naman ng lagim at halit na galit kay jessy! Mga fans ni matteo lagi ang nagpapalabas na jm fans sila hahaha magtigil kayo at ang totoo mas sikat si jessy sa matteo niyo pustahan tayo nakatulong pa sa career ni jessy ang balitang pinaasa lang sya ni matteo sino ba ngayon ang namamayagpag ang career si jessy dba at sino ngayon ang walang career at puro sports ang inaasikaso para hindi halatang walang shows? Hahaha 

  3. panay ang deny mo jessy kay JM yun pala naka 2 yrs din kayo at super pabalewala ka sa relationship nyo. Now na meron kang teleserye bigla mong inamin na naging kayo ni JM na hanggang ngayon di pa rin nakaka recover sa ginawa mo. Feel mo ba ang sakit sa pag deny sa yo ni Mateo….what goes around comes around…yan ang tinatawag na kapag karma ang bumalik sa yo talagang mas matindi pa sa ginawa mo dati. good luck….

  4. ang tawag diyan, KARMA… pagkatapos mong i-deny si JM, eh di bumalik din sayo ang ginawa mo. Ang sakit, di ba???? ngayon, quits na lang kayo ni JM at sana maisip mo na kumustahin ung tao dahil ikaw ang dahilan ng kung ano man ang pinagda-daanan nya ngayon.

  5. bigay na bigay kasi si Jessy Mendiola ke Matteo. Walang itinago sa feelings nya, nagpaka-obvious talaga, makikita naman twing me interview sila dati kung gano ka-hot si Jessy ke Matteo, pero si Matteo pangiti-ngiti lang, kulang na lang sabihin ke Jessy, ‘Magtigil ka!’ hehe.

Leave a Reply

Your email address will not be published.