Matteo Guidicelli, masaya sa relasyon nina Maja Salvador at Gerald Anderson

TAMA LANG naman na ma-ging masaya na si Matteo Guidicelli sa takbo ng lovelife ngayon ng ex-girlfriend niyang si Maja Salvador ngayong si Gerald Anderson na ang karelasyon nito. Hindi rin naman kasi naging maganda ang kanilang paghihiwalay, dahil parang naiwang mag-isa si Maja katulad kung papaano umiyak noon si Anne Curtis sa paghihiwalay nila ni Sam Milby, dahil nagmistulang ang babae pa ang iniwan ng lalaki.

Hindi naman kasi naging masalita si Maja nu’ng magkahiwalay sila ni Matteo, dahil tiniis na lang niya ang hirap ng kalooban, na nagkahiwalay sila ni Matteo sa panahong mahal na mahal pa niya ang guwapong actor. Hindi na rin pinansin ni Maja ang tsismis noon, na kaya hindi na sila magtatagal ni Guidicelli ay dahil hindi naman boto sa kanya ang mga magulang ng binata. Pero hindi ikinahiya ni Maja na nawalan o kulang ng oras sa kanya si Matteo.

Wala naman ding magagawa si Maja, dahil ayaw niyang pigilan si Matteo sa marami nitong pinagkakaabalahan. Hindi naman nagsisinungaling ang karelasyon ngayon ni Gerald sa pagsasabing walang third party sa hiwalayan nila ni Matteo.

“Marami akong priorities, sa career at sa sports na kinahihiligan ko. Halos kulang na rin ang time ko para sa sarili ko,” wika ni Matteo.

Doon nanggaling si Maja. Mahirap nga namang magkarelasyon pa sila kung wala na talagang panahon para sa kanya ang lalaking dating nagsabing crush na niya si Maja kahit nu’ng wala pa siya sa showbiz.

 

KAHIT HARANGAN ng sibat ay mahirap na talagang paghiwalayin ang landas nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, dahil halatang-halata naman silang dalawa na parehong hindi nila kayang mawala ang isa’t isa. Isang malaking patunay ‘yung mga kontrobersiyang pinagdaanan nila, ilang taon na ang nakalilipas dawit si Katrina Halili. Pero sa haba ng kanilang pinanggalingang mga intriga ay nagiging okey pa rin naman ang kanilang samahan.

Naging masaya talaga si Dra. Belo kay Hayden, kaya kahit sabihin niyang magkaibigan na lang silang dalawa ngayon ay wala namang naniniwala, bagkus ay inuunawa na lang siya, na kung kay Hayden talaga siya maligaya ay hayaan na lang.  Maging ang kanyang mga anak ay wala na rin talagang magawa pagkatapos ng kanilang mga pagtutol dati sa relasyon nina Dra. Vicki at Hayden. Maging si Hayden naman, sobrang malakas ang kanyang loob kapag alam niyang nariyan lang si Belo.

Malaki ang nagagawa ng pagiging mapakisamang tao ni Dra. Vicki sa buhay ni Hayden, dahil kung dati-rati ay napakarumi ng tingin ng maraming tao kay Hayden dahil sa naging isyu nila ni Katrina at iba pang isyung may kinalaman sa kalaswaan, ngayon ay bumabango na ulit ang pangalan ni Hayden, dahil nagpapakita rin naman siya ng kabaitan sa maraming tao ngayon. Mahal siya talaga ni Dra. Vicki, dahil parang bagets na sobrang in love si Belo kapag nasa paligid si Hayden!

ChorBA!
by Melchor Bautista

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.