Matteo Guidicelli, makakasama na nang matagal si Sarah Geronimo!

EXCITED NA HUMARAP sa press at sa bossing ng ABS-CBN si Matteo Guidicelli noong Biyernes para sa kanyang contract signing sa Star Cinema. Two-picture contract ang pinirmahan ni Matteo at isa sa mga proyektong kanyang gagawin ay isang teleserye, kung saan makakasama niya ang Pop Star Princess na si Sarah Geronimo.

Tanggi nang tanggi si Matteo na niligawan niya si Sarah noon pero sobrang excited naman siyang magkakatrabaho na sila. “I am so excited to work with her and Sam for this project. And I can’t wait na mag-start na kami,” pahayag ni Matteo. Malapit-lapit na rin daw matapos ang Agua Bendita at as soon na matapos ito, ay sisimulan na raw agad ni Matteo ang teleserye with Sarah.

Bukod sa Agua Bendita, lalabas na rin sa dalawang movies under Star Cinema si Matteo. Nagbi-VJ na rin siya ngayon sa Studio23 at may mga naririnig na rin kaming bali-balita na baka gumawa na rin ng isang album si Matteo under Star Records. Marami ang nakapansin sa magaling na pagkanta ni Matteo sa ASAP dalawang linggo na ang nakararaan, kung saan nakasama niya sina Sam Milby at Piolo Pascual. Hindi na rin kami siguro magtataka kung bigla na ring kuning VJ ng Myx itong si Matteo.

Congratulations Matteo at sana ay hindi ka magbago sa iyong paglipad!

KUNG SI MATTEO ay pumirma na ng kontrata sa Star Cinema, nag-story conference naman si Lorna Tolentino para sa kanyang bagong movie kung saan makakasama niya si Bea Alonzo. Reunion project daw nila ito ni Bea. 2003 noong ginawa nila ang Kay Tagal Kang Hinintay kaya marami na raw ang nagbago sa kanila in terms of acting. Si Direk Laurice Guillen ang magdidirek ng movie na ito na may kaparehong tema rin sa Tanging Yaman na lumabas noong 90’s.

Kasama pa sa said movie sina Enchong Dee, Miles Ocampo, Boyet de Leon at mukhang pati si Gretchen Barretto ay makakasama na rin! Hinihintay na lang daw na magkaayos sa kontrata at sa pag-uusap.

Magsisimula na sa Mayo ang kanilang taping at sa July nila tinitingnan na ipalabas ang pelikula sa mga sinehan.

Previous articleGardo Verzosa, dinaig ang drama nina Sarah Geronimo at Charice?!
Next articleClickadora: Melissa’s Sweet Revenge

No posts to display