Matteo Guidicelli, kuntento na sa kayang ibigay ni Sarah Geronimo

Sarah-Geronimo-Matteo-GuidicelliALWAYS ON the go si Matteo Guidicelli tuwing nababanggit ang pangalan ni Sarah Geronimo. Everyday magka-text at nagtatawagan if ever may time ang dalawa. Parehong flying high ang kanilang energy sa pagtratrabaho dahil inspirasyon nila ang isa’t isa. Gusto ni Matteo na ipakita sa Pop Princess ang mundong kanyang ginagalawan outside showbiz. Makilala ng dalaga ang mga relatives and friends niya. ‘Yung pagkahilig ng binata sa sports, ma-experience ni Sarah.

Hindi pa raw sa ngayon dahil alam ni Matteo kung gaano ka-busy ang kanyang girlfriend na si Sarah. Naiintindihan naman ito ng actor, hindi siya nagdi-demand sa singer-actress. Kung ano lang ang puwedeng ibigay ni Sarah, maligaya na Matteo. Obvious naman very much inlove ang binata sa kanyang dyowa.

Ang maganda sa relationship nina Matteo at Sarah, naging open sila sa mga naging karelasyon nila in the past. Wala silang itinago sa isa’t isa. In passing nga lang daw napag-usapan pero hindi ganu’n kaseryoso. Ang mahalaga kay Matteo ay ang present, wala itong pakialam sa nakaraan.

Willing si Matteo na makatrabaho ang ex-girlfriend niya si Maja Salvador, if ever may offer sa kanila to work together. They remain friends kahit hindi ganu’n kalinaw kung ano nga ba talaga ang naging dahilan ng kanilang break-up. Tapos na raw ‘yun, huwag nang pag-usapan. Pareho nga naman sila ni Maja may kanya-kanyang lovelife.

If ever magkaroon ng kissing scene si Sarah sa movie, payag kaya si Matteo? Na kay Sarah raw ang desisyon, hindi siya makikialam. Irerespeto raw ni Matteo kung sakaling pumayag ang Pop Princess makipaghalikan sa kanyang leading man. Pero sa tingin namin, malabong mangyari ‘yun lalo pa ngayong may boyfriend na si Sarah.

Wish nga ni Matteo, forever na nga ang relationship nila ni Sarah. Matagal niyang pinantasyang makilala at maging girlfriend ang singer-actress. Ngayong nangyari na nga, dream come true ito para sa hunk actor. So, aalagaan at mamahalin niya ang relationship na mayroon sila ni Sarah para lalong tumibay at hindi maapektuhan ng intriga ang pagmamahal nila sa isa’t isa.

Well, huwag lang magmahadera si Mommy Divine Daddy Delfin para maging masaya sina Sarah at Matteo. Kung pamilya ng actor ang tatanungin, puro papuri sa dalaga ang madalas nilang sabihin. Kaya’t ganu’n na lang kasaya si Matteo dahil walang kontrabida sa partido niya.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

3 thoughts on “Matteo Guidicelli, kuntento na sa kayang ibigay ni Sarah Geronimo

  1. I love them both, I love them to be forever, my prayer is always for your happiness and full of love,
    inggit lang ang naninira,

  2. Sigurado akong pinagpundar na ni Sarah ng negosyo ang mga parents niya. Parang nabasa ko na meron silang parlor, kung saan, hindi ko alam. haha!

  3. hahahah ang KABUHAYAN nina Divine at Delfin papano na hahahah kung tuluyang mawawala sa poder nila ang kahilang unica hija na Breadwinner hahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.