Matteo Guidicelli, aral sa ama sa paghawak ng pera at sa pagpasok sa negosyo

Matteo Guidicelli

Matteo Guidicelli

Puring-puri ng guwapong si Matteo Guidicelli ang kanyang ama na siyang nagturo sa binata para maging magaling sa pagha-handle ng kanyang finances at sa interest nito sa pagpasok sa negosyo.

Recently ay binuksan ang isang Italian restaurant sa Cebu na pag-aari ng binata na mina-manage ng kanyang kapatid na babae.

Bukod dito, nagtayo na rin ng production house (producing TV commercials, AVP, music videos, etc) ang kompanya na naka-base sa Cebu City, na siyang hometown ng aktor.

Alam kasi ng young actor na hindi pangmatagalan ang showbiz. Kaya nga sa pagtatapos ng kanyang teleserye na “Dolce Amore” sa Kapamilya Network, magco-concentrate si Matteo Guidicelli sa kanyang series sa Cinema One na “Single/Single” with Shaina Magdayao, bukod siyempre sa pag-aasikaso ng kanyang mga negosyo.

Tama lang ang gayong attitude ni Matteo tulad ng personal niyang paniniwala na dapat secured tayo sa buhay, just like Sun Life Financial Asset Management, kung saan naging client siya ng kompanya even before siya kinuhang endorser tulad ng mga mas nauna sa kanya na sina Ms. Charon Santos, Judy Ann Santos, at Piolo Pascual.

Biniro nga siya ng press na dumalo sa media launch kamakailan na sila ng girlfiend niyang si Sarah Geronimo ay magkatunggali sa pag-eendorso ng ganitong klaseng product. Habang si Matteo ay sa Sun Life, si Sarah naman ay endorser ng kalabang kompanya.

Paniwala ni Matteo tulad sa tamang pagpapalaki at guidance ng kanyang ama pagdating sa negosyo, may ups and downs din just like when investing your money.

Tulad ng relasyon nila ni Sarah, hindi sa lahat ng pagkakataon ay smooth sailing ang pagmamahalan nila. Paniguro ni Matteo tungkol sa girlfriend, “I think I found the one,” na ikinakilig ng media.

Lalo na ngayon na going strong ang relasyon nila ni Sarah, stability ng pagmamahalan nilang dalawa ang kanyang pinaghahandaan ngayon tulad ng future niya. Ang kinabukasan nila.

Sa ngayon, busy sila pareho ni Sarah sa kani-kanilang aktibidades. Sa ngayon, oks na oks sila ni Sarah kahit busy sila sa kanilang commitments.

“She’s doing a lot of things,” kuwento ng binata. “We climbed mountains, we’re gonna climb more mountains literally and figuratively. I just encourage her to open her eyes, not just work, but to enjoy her life. She’s already 28, she deserves it. All of us do. We have to enjoy,” sabi ni Matteo.

Sa katunayan, maganda ang epekto ng pakikipagrelasyon ng Popstar sa binata.

Positive ang impluwensiya ni Matteo kay Sarah na ngayon ay mas liberal at mas open na sa kanyang sarili.

Nand’yang nag-aaral ng culinary ang dalaga at sinubukan din ang pole dancing as an exercise, bukod siyempre sa “pagapa-sexy” ng dating nito kay Matteo.

Dahil mas matured na silang dalawa ng girlfriend, “I always tell my friends and Sarah also that it is very, very important to have a life outside of the business. You need to have freedom in your soul, in your mind. You can’t always be stuck with one thing.”

Dagdag ng binata, “I’ve realized this world is so big. There are so many things we could see… so many things we could do. We shouldn’t be stuck to do one thing only.

“So I was encouraging them to do other things, to have a free spirit, to live life to the fullest,” na siyang ginagawa ngayon nila pareho ng girlfriend.

Sa ngayon, wala munang usapin tungkol sa kasal dahil both are enjoying each other’s company at gusto nila ito.

Sa nakaraang kaarawan ni Sarah last July who turned 28, isang romantic birthday kiss ang regalo ni Matteo sa girlfriend matapos silang mag-mountain climbing sa Parrot’s Beak.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.