Matteo Guidicelli and Maja Salvador: I ReAlly, ReElly Love You!

MATTEO GUIDICELLI

Real Name: Gianmatteo Vittorio Fernan Guidicelli

Birth Date: March 26, 1989

Zodiac Sign: Aries

Symbol: The Ram

Ruling Planet: Mars

Quality: Cardinal

Element: Fire

Basic Trait: I Am

Closest Metal: Iron

Lucky Day: Tuesday

MAJA SALVADOR

Real Name: Maja Ross AndresSalvador

Birth Date: October 5, 1988

Zodiac Sign: :Libra

Symbol: The Balance

Ruling Planet: Venus

Quality: Cardinal

Element: Air

Basic Trait: I Balance

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday

 

SA WAKAS ay ipalalabas na ang pelikulang My Cactus Heart nina Matteo Guidicelli at Maja Salvador. Kung avid fan kayo ng dalawa, napabalita noon na dapat ay isa itong indie film na may pamagat na ‘Basted’. Ngayon lang nagdesisyon ang Star Cinema na i-release ito bilang isang mainstream kilig movie. Sa katunayan nga, textmates pa lang ang dalawa nang umpisahan ang shooting ng pelikula. Ngayon ay real-life couple na sila!

Hindi man naging maganda ang paraan kung paano naisapubliko ang kanilang pag-iibigan (fight for love lang talaga ang peg ni Matteo kaya nakipag-jombagan kay Coco Martin, ‘noh?), halata namang lalo nitong pinatatag ang kanilang samahan. Tatagal naman kaya ang dalawang ito as lovers, o tutulad lang sa karamihan ng failed relationships ng mga kasabayan nila sa showbiz?

Sa pagsasamang ito, ‘adjustment’ ang trending subject. Tinitimbang muna ng Libra ang pros and cons ng mga gagawing hakbang habang ang Aries ay mabilis magbigay ng desisyon at saka lang nito iisipin ang consequences kapag tapos na (kita naman ito sa suntukan scene, ‘di ba?). Hinihingi muna ang Libra ng opinion ng iba habang ang Aries ay may paninindigan sa kanyang paniniwala. Ito ang pagkakaiba ng dalawang zodiac, na basta ma-overcome ay magiging ok naman ang flow ng kanilang relasyon.

Ang relasyon ng dalawa ay magbabase sa emotional attraction. Ang pagiging tahimik at kumportable ng Libra ay magco-compliment sa pagiging lively ng isang Aries. Maiimpluwensyahan din ng Libra ang Aries na kailangan muna nitong mag-isip bago magdesisyon sa buhay. Kahit pa magkaiba sila sa ilang bagay, match pa rin sila kapag pinagsama.

Damang-dama na agad ang attraction ng dalawa una pa lang nilang pagkikita. Maaari rin na magtagal ito, pero malaking requirement dito ang adjustment at effort. Pareho silang ma-PR at magaling dumiskarte sa buhay. Maayos lang nila ang gusot sa kani-kanilang preferences ay super sulit na ang pagsasamang ito!

There you go, ladies and gentlemen! Nasaksihan naman natin ang mga first few challenges sa relasyon nina Matteo at Maja at kinaya naman ng powers nila. Basta ba willing silang mag-adjust, siguradong tuluy-tuloy ang pag-trend ng pag-ibig sa puso nila! Yiheee twit-twitan na!

By Madam Damin

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

3 thoughts on “Matteo Guidicelli and Maja Salvador: I ReAlly, ReElly Love You!

  1. Pingback: Matteo Guidicelli and Maja Salvador: I ReAlly, ReElly Love You! | Celebrity Philippines

  2. SUMUGAL NA NAMAN ANG STARIRAY SINEMA KAY MAJA BLANCA, DI BA SILA NATAKOT DUN SA RESULTA NG “THELMA”? ANG KIKITA LANG DYAN AY ANG MAPECON KASI SA DAMI NG PESTE, LAMOK, BANGAW, KULIGLIG, KULISAP AT LANGAW NA TATAMBAY SA SINEHAN KUNG SAAN IPALALABAS ANG “CACTUS JACK” BA YUN? FOR SURE MAGIGING BUSY SILA KASI FOR SURE FIRST DAY LAST DAY NA NAMAN ITO…………HAHAHAHAHAHAHA

  3. YAK!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!HETO NA NAMAN ANG PAIRING NG ISANG PANDAK NA HUNK KUNO AT ISANG BABAENG “WALANJO”…………HAHAHAHAHAHA…………WALANG KABUHAY-BUHAY NA TANDEM

Leave a Reply

Your email address will not be published.