Matteo Guidicelli and Maja Salvador, happy with each other

 

IS ROMANCE FLOATING in the air between teen stars Matteo Guidicelli and Maja Salvador? Kamakailan kasi ay inamin ni Matteo na may espesyal siyang pagtingin kay Maja. However, Maja continues to deny that she is dating the young actor/host.

Nag-umpisa ang bulung-bulungan tungkol sa namumuong magandang pagtitinginan ng dalawa noong isang taon. They were co-stars in Wansapanataym Presents: Inday sa Balitaw. Setyembre noong nakaraang taon nang makita silang magka-date sa Star Magic Ball. Hindi naman sila nakaligtas matapos silang ibuking ni Kris (Aquino) sa isang presscon na ni-liligawan diumano ni Matteo si Maja at binigyan pa niya ito ng isang box ng paborito nitong pagkain.

Last October, Matteo admitted that he gave Maja a gift but he denied that he is courting her. Pero paano nila maitatanggi sa mapanuring mata ng publiko ang kanilang relasyon kung lumabas sa internet site na darlasau-ler.com last January ang mga photos nila na magkasamang nag-boxing at nanood ng pelikula?

As if these were not enough proofs na may magandang ugnayan ang dalawa ay tingnan na lang natin ang kanilang mga Twitter accounts. Sabi nga, actions speak louder than words. Their exchange of tweets varies from emotional to sweet shoutouts.

Since Matteo and Maja are currently doing a movie titled Basted under Star Cinema ay asahan na nilang mas lalo pang uungkatin ang napapabalita nilang magandang relasyon.

Nakorner kamakailan si Matteo sa Happy Yipee Yehey kung saan tinanong siya kung ano ang masakit na mawala sa kanya. “Girlfriend,” ang maikli niyang sagot. The Buzz also asked him kung sila na nga ba ni Maja. “Wala. We’re just special friends and we’re happy with each other. ‘Yun lang,” he replied.

Pero inamin niya that Maja is his inspiration. “Maja and I, we’re such special friends. She’s my inspiration.”

Wala namang masama kung sakaling sila nga dahil pareho naman silang single. They look good together. Parehong busy right now ang dalawa with Matteo hosting Happy, Yipee, Yehey while Maja is regularly seen on the primetime teleserye Minsan Lang Kita Iibigin. Sa totoo lang, masarap magkaroon ng inspirasyon. Iyon bang kahit abala ka sa iyong trabaho ay alam mong may nagmamahal at may nakakaalala sa iyo ano man ang iyong gawin at saan ka man naroroon.

 

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

5 thoughts on “Matteo Guidicelli and Maja Salvador, happy with each other

  1. PA SEXY EFFECT KASI YUN NGA LANG KAILANGAN TALAGA NG SUPER-DUPER WONDER BRA!!!!!!!!!!!!!!!!KAILANGAN YUNG BAKAL PARA FIRM TALAGA HAHAHA

  2. Di lang sila umaamin Because of their career..
    May kanya kanyang Loveteam kaya mas gusto na lang nila na ekeep un..

Leave a Reply

Your email address will not be published.