Matteo Guidicelli: ‘Di umubra kay Sarah Geronimo, kay Maja Salvador naman pumuporma!

SA TAGUMPAY NA tinatamasa ngayon ni Sarah Geronimo, marami ang nagsasabing siya na ngayon ang “Young Superstar” ng bagong henerasyon. Ikinatuwa naman ng dalaga ang bagong titulong ikinakabit sa kanya. Marami pa raw siyang kailangang gawin para maging karapat-dapat sa title na ‘yun.

Aside sa pagiging successful ni Sarah sa kanyang showbiz career, inaabangan din ng publiko ang buhay pag-ibig ng Pop Princess. Hindi ba’t nagpahayag si Matteo Guidicelli na crush niya ang singer-actress pero bigla yatang si Maja Salvador ang napapabalitang nililigawan raw ngayon ng binata.

Walang reaction si Sarah tungkol sa pagiging malapit sa isa’t isa nina Matteo at Maja. Hindi naman daw nanliligaw sa kanya ang young actor. Ikinatutuwa pa nga nito kung sakaling totoo nga ang tsismis dahil kaibigan naman daw niya si Maja.

Siyempre, napag-usapan din si Rayver Cruz. Nagkita at nagbatian na raw sina Sarah at Rayver. Ang dalaga pa raw mismo ang bumati sa binata sa ASAP. Pagpapatunay lamang na naka-move-on na ang Young Superstar.

Nilinaw din ni Sarah na gusto pa rin niyang makatrabaho si John Lloyd Cruz. Sinabi raw niya sa kanyang mga interview na hindi siya puwedeng gumawa ng pelikula with John Lloyd this year dahil magiging busy raw siya sa taping ng Idol. Kung gagawa rin lang daw sila ng pelikula ng aktor, gusto sana niya next year at bagong istorya para refreshing sa manonood.

TOTOO NA RAW may something going on kina Matteo Guidicelli at Maja Salvador. Sa nakaraang Star Magic Ball, magkasamang dumating ang dalawa. Kapansin-pansin raw ang pagiging sweet nila sa isa’t isa. Hindi maipagkakailang may relationship na namumuo sa kanila, ayon sa aming source.

Hindi naman idini-deny ni Matteo na very close sila ngayon ni Maja. Hindi masabi ng binata kung saan hahantong ang maganda nilang pagtitinginan bilang magkaibigan. Friends ba ‘yung madalas mong makitang magkasama sa mga gimikan at nagdi-dinner kasama ang mga friends?

Balita pa nga, madalas daw bumisita si Matteo sa bahay ni Maja. Kung hindi nagkikita ang dalawa, palagi namang magkausap ang mga ito sa cellphone. Kailan lang, naging special guest ni Matteo si Maja sa Cosmo Bachelors’ Bash. Hindi inaasahan ng binata ang pagdating ng dalaga. Na-surprise na lang ang young actor sa biglang pagdating nito sa mismong show.

Nang tanungin si Maja kung may something sila ni Matteo. Friends lang ang relationship mayroon sila ni Matteo. ‘Yan naman palagi ang sagot niya sa lahat ng lalaking nauugnay sa kanya kahit naging boyfriend na niya ang ilan sa mga ito. Well, hintayin na lang nating mag-break sina Matteo at Maja para aminin nila na naging sila.

IBA ANG AURA ni Kim Chiu noong time na sila pa ni Gerald Anderson. Punung-puno ng buhay, parang hindi napapagod sa araw-araw na pagtatrabaho. Palibhasa may inspirasyon kaya always on the go! Nang maghiwalay sila ng landas ni Gerald, unti-unting naging malulungkutin ang dalaga. Maraming issue ang naglabasan nang maghiwalay sila ng binata.

Nand’yan si Bea Alonzo na balitang nililigawan daw ng aktor na itinanggi naman ng magaling na aktres. Naging totoo lang ang bali-balita tungkol sa kanila nang magkasabay silang umuwi palabas ng Makati Shangri-La.

Bago nangyari ‘yun, magkasabay na dumating sina Kim at Gerald sa Star Magic Ball. Buong akala natin, nanumbalik uli ang kanilang pagtitinginan. Hindi naikubli ng dalawa ang tunay nilang saloobin sa isa’t isa. Napaka-pormal ng kilos at galaw ng dalawa na para bang napapaso sa isa’t isa.

Natapos na ang special relationship na mayroon kina Kim at Gerald. This time, focus muna raw sila sa kanilang showbiz career. “Napag-usapan na namin ‘yan. ‘Yung special relationship, sa simula nagtutulungan kami. Nand’yan siya lagi para sa akin, nagpapasalamat ako dahil du’n. Walang ibang taong makakapalit… Hindi kami official na naging parang ganoon, masaya naman kasi kami kung ano’ng mayroon kami noon,” sey ni Kim na halata mong malungkot sa nangyari sa kanila ni Gerald.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Naudlot nang tuluyan ang pagpapalabas ng episode sa Love Bug na pinagtatambalan nina Rocco Nacino at Lovi Poe. Natigil din ang usap-usapan hinggil sa nabubuong closeness na ng dalawa. Kaya nang makita namin ang baguhang aktor na produkto ng Startruck V nang mag-guest ito sa Showbiz Central, iyon ang naitanong namin sa kanya.

“It’s set to be aired on November,” ani Rocco. “Kasi, nasa plano raw talaga ng network na unahin muna ‘yong sa kanila ni Mark Anthony (Fernandez). Tapos nagkaroon ng desisyon na ‘yong sa amin na lang daw muna ni Lovi. Then biglang ‘yong kina Lovi at Mark na ulit ang nai-decide na unahing ipalabas.”

Napabalitang special request daw kasi nitong si Mark na maitambal sa kanya si Lovi. Na kaagad naman daw pinagbigyan nga ng pamunuan ng GMA-7. At dahil do’n, tila biglang na-bump-off ang ang episode nila ni Lovi sa Love Bug na sabi’y mas naunang nai-tape kesa sa episode na ginawa ng aktres with Mark.

Hindi sumama ang loob niya kay Mark dahil sa nangyari? Dahil parang na-preempt nito ang tambalan nila ni Lovi?

“Hindi. Actually, recently lang, nag-basketball ako na kasama ko si Mark Anthony. So okey naman kami. Hindi big deal sa akin kung mauna mang maipalabas ‘yong episode nila ni Lovi sa Love Bug.”

Si Lovi, nakadalawang-balik na sa Hong Kong at todo-suporta sa rumored boyfriend nitong si Cong. Ronald Singson na nahaharap doon sa kasong illegal possession of drugs. Makaapekto kaya ito sa ginu-groom sanang tambalan nilang dalawa?

“I don’t know. Pero sa tingin ko, hindi naman makakaapekto ‘yon. And I think ‘yong na-established nang magandang relationship at friendship namin, gano’n pa rin. Kumbaga, what we have, imi-maintain na lang namin.”

Ganyan?

SEPTEMBER 12 ANG birthday ni Akihiro Sato. Kahit ayaw niyang mag-celebrate, nagkaroon siya ng maliit at simpleng party lang for his closest friends which was held at the Republic Bar sa Resorts World last Saturday, September 11.

Ang gusto raw kasi talaga ni Akihiro, ipagdiwang ang kanyang kaarawan sa pamamagitan ng isang charitable activity.  At ang napili niya, magkaroon ng isang feeding program this Friday, September 17 sa isang pampublikong elementary school sa Quezon City.

Mahilig daw kasi sa mga bata talaga si Akihiro. And he wanted to share kung anuman ang natatanggap niyang blessings ngayon sa mga mag-aaral ng isang public school ngang napili niyang puntahan.

Mukhang okay na ulit si Akihiro after ng minor operation niya sa paa na namaga due to insect bites na nakuha niya nang sumali sa celebrity edition ng Survivor Philippines. Sa katunayan, excited na nga siya sa gagawing fun run ng ini-endorse niyang Blue Water Day Spa on October 17 sa SM Mall of Asia kung saan kasama niya sina Sam Milby, Daniel Matsunaga, Fabio Ide, at iba pang celebrities. Layunin daw ng event na ito na maka-create ng people’s awareness regarding wellness and good health. Anything daw na for a good cause, laging on the go si Akihiro.

Ganyan?

AMINADO SI GLAIZA de Castro, may pressure siyang nararamdaman ngayong bida na siya sa bagong fantasy series ng GMA-7 na Grazilda. Pero ayaw umano niyang isipin ang tungkol dito. Sa halip, gusto umano niyang i-enjoy ang gano’ng magandang opportunity na finally ay napasakamay na nga niya.

“Kapag inisip mo kasi ‘yong pressure, baka hindi magawa nang maayos ‘yong trabaho mo,” aniya nga. “Lalo pa, mahirap gumawa ng fantasy series. Sa costume at make up pa lang, one hour na bago magawa. Tapos hindi biro ‘yong may scenes na naka-chroma ka, o ‘di kaya eh ‘yong may mga visual effects pang kailangan, at saka ‘yong mga locations namin na malalayo.”

Kahit sinasabi ni Glaiza na mas dedma muna raw siya ngayon sa lovelife para higit na makapag-focus sa kanyang career, tuloy pa rin ang pagkaka-link niya kay Felix Rocco, isa sa kambal na anak ni Bembol Rocco.

“Dahil siguro matagal ko nang kakilala ‘yong tao. At matagal ko na rin siyang friend. And since alam naman natin na si Max (Maxene Magalona) na kaibigan ko, madalas ding nakikita together with Dominic na kakambal ni Felix. So, kapag nakikita kami together, iniisip ng iba na kami na. Pero wala. Ni hindi siya nanliligaw sa akin.”

Ano na nga pala ang nangyari sa panliligaw ni Patrick Garcia sa kanya noon?

“Wala na akong balita sa kanya, eh. Matagal na ‘yon. Wala na.”

Dati, lagi pang sinasabi ni Patrick na seryoso nga raw ang aktor sa panliligaw sa kanya. Binasted niya ito kaya walang kinahinatnan ang panunuyo nito sa kanya at hindi naging sila?

“Basta sabihin na lang nating wala na,” nangiting naisagot na lang ni Glaiza.

‘Yon na!

Related Post

loading...

4 thoughts on “Matteo Guidicelli: ‘Di umubra kay Sarah Geronimo, kay Maja Salvador naman pumuporma!

  1. bagay si maja and matteo. kaso halatang pakulo lang na may something sa kanila kasi nga may show na inday sa balitaw itong si maja. kelangan mapag usapan ika nga.

    hope maging successful team up ng mattador. kasi mukhang tatanda na lang yata si maja sa dami ng naging ka loveteam ni isa walang nag click.

  2. ther’s always a limitation sa lhat ng bgay lalo na kung below the belt na ang binabato sa isang artista at maraming tao ang naapektuhan.

    buwagin na nga ang kimerald…kc sa mga nglabasang blita i’m sure maraming hindi ngustuhan ang ginawa ni gerald.mgkanya kanya na cla at suporthan nlang nga mga fans nila bilang mgkahiwalay na arrtista hehehe…

  3. kapapanood ko lng sa studio 23 sinungaling station. ang interview kay sm ipapatrace daw nila kng sinung nagkalat ng chismax sa kanilang dalawa ni jlc tungkol sa hosptal scandal kya lagfot nagklat non magmumulta daw ng 1000000000000 euro sabi ng tatay ng starmagic na si jmanahontas ang akin lng artista sila public figure kng bga bkit sila naiinis kng anuman ibig sbihin ng ibang tao ehhhhh ito pa nga ang nagpapasikatttttttt sa kanila eh at db ang propesyon nang artista pag chizzmzan ng mga chizmakers getzzzzzzzzzz un na.

Leave a Reply

Your email address will not be published.